Salvage victim, nabuhay; suspek, ikinanta

HIMALANG NAKALIGTAS sa tiyak na kamatayan ang isang lalaki na pinaniniwalaang biktima ng summary execution o salvage sa lalawigan ng Nueva Ecija na itinapon sa madawag na lugar ng Brgy. Arenas, Arayat, Pampanga kahapon ng umaga.

Sa ulat na tinanggap ni P/Supt. Samuel Sevilla hepe ng Arayat Police Sation, kinilala ang biktimang si Patricio Mendoza Y Castillo, 57 anyos, tubong Concepcion, Baliuag, Bulacan at kasalukuyang residente ng Brgy. Sto Cristo, San Antonio, Nueva Ecija.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, dakong alas-9 ng umaga ng Oktubre 7 nang matagpuan ang biktima sa madamong lugar, na may dalawang tama ng bala ng baril sa katawan.

Agad na isinugod sa Arayat District Hospital ang nag-aagaw-buhay nang biktima dahil sa dami ng dugo na tumagas mula sa katawan nito. Dahil sa kritikal na kondisyon, agad itong inilipat sa JBL Regional Hospital sa San Fernando City, Pampanga.

Nabatid sa paunang imbestigasyon ng mga awtoridad sa biktima, si-nabi nito na tatlong lalaki ang dumukot sa kanya kung saan pinangalanan at kinilala nito ang isa sa mga suspek na si Brgy. Chairman Victor Eugenio, Jr. ng Brgy. Poblacion, San Isidro, Nueva Ecija.

Dahil dito, agad na nagsagawa ng follow-up ang mga pulis, kung saan agad silang nakipag-ugnayan kay P/Supt. Ricardo David ng San Isidro Police Station, at agad na pinuntahan ang bahay ng suspek, subalit bigo nila itong matagpuan.

Ayon sa mga residente sa lugar, badang alas-8 ng umaga ng Oktubre 7, 2012, nagmamadaling umalis si Kapitan sa kanilang bahay, kung saan dali-dali itong sumakay ng sasakyan patungo sa Cabanatuan City.

Naniniwala naman ang mga awtoridad na marahil inakala ng mga suspek na napatay na nila ang biktima kaya basta na lamang itong itinapon sa ilang na lugar sa bayan ng Arayat.

Samantala, agad namang ipinag-utos ni Nueva Ecija PNP Provincial Director P/Sr. Supt. Walter Castillejos ang agarang imbestigasyon sa bigong pagpatay sa biktima at kung ano ang motibo ng mga suspek na kinabibi-langan ng nasabing barangay chairman.

(TONY DELA PEÑA)   

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

3 thoughts on “Salvage victim, nabuhay; suspek, ikinanta

Leave a Reply

Your email address will not be published.