Salvage Victim, Itinapon Malapit sa Gate ng Sementeryo

ITINAPON MALAPIT SA gate ng  sementeryo ang hindi pa kilalang lalaki na sinalvage sa Caloocan City kahapon ng umaga.

Inilarawan ang biktima na nasa edad 30 hanggang 40, naka-T-shirt na itim at asul na short.

Batay sa ulat, alas-4:30 ng umaga nang makita ng ilang nagdaraan ang bangkay ng biktima sa C-3 Rd., ng lungsod malapit sa gate ng sementeryo ng La Loma.

Lumalabas na nakagapos ng packaging tape ang mukha at kamay ng biktima at may bakas ng pagkabigti sa leeg.

May karatulang nakasabit sa biktima na “Babala sa mga tulad nito, sige luminya kayo sa holdap at droga, Hindi namin kayo tatantanan”.

Nagsasagawa na nang follow-up investigation ang mga pulis hinggil sa nasabing insidente.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.