Salvage victim, isinako na, nilagyan pa ng condom sa ulo

BUTUAN CITY – NAAAGNAS na ang isang bangkay na narekober ng mga residente sa Km.12 P5, Brgy. Manapa, Buenavista, Agusan del Norte.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng SOCO-Caraga, isang babae ang inilagay sa sako at itinapon sa gilid ng national highway sa naturang lungsod kung saan may inilagay na condom sa ulo nito.

Tinatayang nasa 20-anyos ang maputi at du-guang biktima na pinaniniwalaang biktima ng salvage ng mga hindi pa kilalang suspek at hinihinalang ginahasa bago pinaslang ang biktima.

Patungo sana siya sa kanilang palikuran nang makita niya ang paa ng biktima na nakalabas sa sako, kung saan ito inilagay at dahil sa kanyang takot ay tinawag niya ang kanyang mga magulang upang ipaalam sa mga kinauukulan, ayon sa pahayag ng isang 12-anyos na testigo.

Patuloy pang kinikilala ng pulisya ang nasabing biktima maging ang dahilan ng pagkamatay nito na nagtamo ng mga sugat sa buong katawan. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.