Salvage Operations ng USS Guardian sa Tubbataha Reef, Naantala na Naman

MULING NAANTALA ang pag-chop-chop ng USS Guardian sa Tubbataha Reef.

Ayon kay Task Force Tubbataha head, Commodore Enrico Evangelista, hirap silang ipuwesto ang mga angkla ng crane ship na SMIT Borneo para sa salvage operations dahil sa sama ng panahon.

“Challenges include sea conditions,” ani Evangelista.

Dahil dito, ipinagpaliban muna ng operator ng crane ship ang pagbagsak ng iba pang angkla.

Ito’y matapos tanging isa lamang sa pitong angkla ang matagumpay na naikagat mula sa USS Guardian hanggang sa ilalim ng dagat.

Naging masama kasi ang panahon sa lugar nitong nagdaang tatlong araw.

Sinabi pa ni Evangelista na walang binabaklas na bahagi ng USS Guardian. Patuloy pa rin aniya ang pagtanggal sa maliliit na bahagi ng barko.

800-toneladang global positioning system (GPS) guided vessel na Jascon25 sa Pebrero 15.

Samantala, sa tantiya naman ng Philippine Coast Guard (PCG), aabutin ng walong araw bago ito makarating sa lugar para tuluyang maialis ang barko sa lugar.

Makailang ulit ding naantala ang salvage operations sa barko nang matagalan ang pagdating ng mga crane ships sa Palawan dahil din sa masamang panahon.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.