Salpukan ng Van at Trak sa UP Diliman; 5 Sugatan

LIMA ANG nasugatan sa head-on-collision ng L-300 van at trak na may kargang bakal sa C.P. Garcia, Barangay UP Diliman, Quezon City bandang alas-5:00 kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang isa sa apat na sakay ng van na si Michael Miraflor na huling naialis sa loob ng van matapos maipit.

Isinugod naman ang iba pang mga nasugatan sa East Avenue Medical Center.

Inamin rin ni Miraflor na galing sila sa isang party at pare-parehong lasing kabilang ang kanilang drayber.

Sinabi ng drayber ng trak na si Gilbert Pimentel, mabilis ang pagpapatakbo ng van at kinuha pa ang kanyang lane.

Samantala, nagdulot ng pagsisikip sa daloy ng trapiko ang nasabing insidente.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.