Salpukan ng Van at Motorsiklo: 1 Patay; 1 Sugatan

PATAY ANG isang lala-king sakay ng motorsiklo habang malubhang nasugatan ang angkas nito matapos mabangga ng kasalubong na van sa Lawton Avenue, Taguig City.

Dead on the spot ang hindi pa nakikilalang driver ng motorsiklo na naka-asul na sando at itim na shorts na may nakasulat na “Vargas, A. Jr.”

Hindi pa naman tiyak kung ito ang pangalan ng namatay pero hinihinalang sundalo ito o pulis dahil sa nakitang sticker ng Special Action Force (SAF) sa motorsiklo.

Dinala naman sa Parañaque Doctors Hospital ang angkas nitong si Jun Sejo.

Sinabi ni Dionisio Billas ng Taguig special operation group na ga-ling sa McKinley ang motorsiklo at patungo sa direksyon ng South Luzon Expressway (SLEx) nang bumangga sa van na may plakang XDG 411.

Naganap ang insidente sa tapat ng gate ng headquarters support ng Philippine Army, dakong alas-8:00 ng umaga.

Sa lakas ng pagkakabangga, nagkabali-bali ang katawan ng namatay at wasak ang salamin sa harap ng van.

Samantala, hawak na ng Taguig traffic bureau ang drayber ng van na si Almasan Bulaong na isang retiradong sundalo ng Philippine Army.

Sa ngayon, nasa punerarya na ang labi ng biktima.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.