Salpukan ng Trailer at Delivery Truck: 20 Sugatan

UMAABOT SA 20 katao ang nasugatan sa salpukan ng trailer truck na may kargang backhoe at delivery truck ng isda sa Muñoz sa Quezon City kahapon ng madaling-araw.

Lumalabas sa pagsisiyasat ng mga awtoridad, pa-U-turn ang 10-wheeler trailer truck sa northbound lane nang mabangga sa likod ng delivery truck na biyaheng Pasig.

Tumagilid ang delivery truck at nagkalat ang mga kargang isda sa kalsada.

Dahil sa puno ng mga produktong isda ang delivery truck, dalawang tao lang ang nasa loob nito habang ang 15 ay nakasakay sa tuktok nito at tatlo ang nasa harapan.

Naipit naman ang ilan sa mga biktima habang tumalsik mula sa ibabaw ang iba pa.

Samantala, agad na isinugod sa Quezon City General Hospital ang mga sugatang pasahero ng delivery truck.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.