Salpukan ng Sasakyan at Truck sa Australia; 2 Pinoy, Patay

UUWI SANA ng Pilipinas ang apat na mga Pinoy at excited pang kukuha ng ticket sa eroplano nang mangyari ang aksidente sa Warrego Highway sa pagitan ng Dalby at Jondaryan sa State of Queensland sa Australia.

Dalawa sa mga ito ang nasawi habang ang dalawang iba pa ay sugatan matapos na bumangga ang kanilang sinasakyang kotse sa isang road train.

Ang biyahe ng mga Pinoy workers mula sa Dalby patungo sa isang metropolitan area ay para bumili na sana ng ticket ng eroplano para sa kanilang pag-uwi sa darating na kapaskuhan sa Pilipinas.

Base sa report, bagama’t hawak na ang mga pangalan ng mga biktima, nakiusap muna ang Philippine Embassy na ‘wag munang isapubliko hangga’t hindi nila naaabisuhan ang mga pamilya ng mga nasawi.

Lumalabas sa inisyal na paliwanag ng mga awtoridad, nag-drive umano sakay ng Subaru Sedan nitong nakalipas na Linggo sa kabilang daan ang mga Pinoy dahil sa traffic kung saan ang dalawang lane ay naging isa na lamang.

Base sa teorya ng mga kinauukulan, dahil sa haba raw ng highway sa akala ay dalawang lanes pa rin ay naging salungat na pala ang dinadaanan nila hanggang sa mangyari ang malagim na aksidente.

Dead on the spot ang dalawang Pinoy habang kritikal ang kalagayan ng dalawang iba pa na ngayon ay binabantayan sa pagamutan.

Isa sa mga binawian ng buhay ay 39-anyos na taga-Antipolo City.

Ang apat ay pawang nagtatrabaho sa isang power distribution at telecommunications company na John Holland.

Sa pahayag naman ng labor attache ng Philippine Embassy sa Canberra, sinasabing babayaran ng kumpanyang pinagtatrabahuan ng mga Pinoy ang kanilang bill sa ospital dahil nakasaad ito sa kanilang kontrata.

Samantala, sasagutin naman ng John Holland ang repatration sa bangkay ng dalawang nasawing Pinoy.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.