Salpukan ng Kotse at Motorsiklo; 3 Patay

PATAY ANG tatlong katao sa banggaan ng motorsiklo at sasakyan ng isang alkalde sa Hamtic, Antique kamakalawa ng gabi.

Mula sa Brgy. Villavert Jimenez ang motorsiklo habang pauwi naman ang sasakyan ni Mayor Joel Occeña ng Sibalom, Antique mula sa Iloilo City nang nangyari ang insidente.

Sinabi ni PO2 Elmer Tansianes ng Hamtic Municipal Police Station na nag-overtake ang motorsiklo sa dalawang sasakyan subalit sa kaliwa ito dumaan at nakasalubong ang sasakyan ng mayor.

Ayon sa drayber ng alkalde na si Cesar Alabahon, dahil sa ilaw ng dalawang sasakyan na kanilang nasalubong hindi niya nakita ang motorsiklo.

Nasawi sa insidente ang driver ng motorsiklo na si Raffy Susana, 22; angkas na si Chris Nolada, 26, at asawa nito na si Gina, 23, pawang residente ng Brgy. Casalngan, Hamtic.

Ang mga biktima ay dinala sa Angel Salazar Memorial General Hospital subalit dineklarang dead on arrival.

Samantala, wasak naman ang unahang bahagi ng sasakyan ng alkalde subalit nagtamo lamang ini ng menor na sugat gayundin ang kanyang drayber at isang pang kasama.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.