Salpukan ng Bus at Truck sa CamSur, 5 Sugatan

SUGATAN ANG limang pasahero ng isang bus matapos bumangga sa trailer truck sa Del Gallego, Camarines Sur, pasado alas-7:00 Sabado ng gabi.

Papuntang Maynila ang Raymond Bus galing sa Tinambac, Camarines Sur lulan ang may 30 pasahero nang aksidente nitong mabangga ang likuran ng isang nakaparadang truck sa palusong at kurbadang bahagi sa Barangay Comaday-Caday.

Hindi umano nakita ng drayber ng bus na si Ferdinand Co, 40-anyos ang warning sign na masyadong nakadikit sa likuran ng trak.

Kasama sa limang sugatan ang konduktor ng bus na kinilala lamang na alyas “Bernardino”, 27, at apat na pasahero ng bus na sina Robel Aliban, 34; Melan Sarmiento, 34; Mary Grace Paraiso, 17 at Jemma Dumalagan, 35.

Agad namang dinala sa Maria Eleazar Memorial Medical Center sa Tagkawayan, Quezon ang mga nasugatang biktima.

Samantala, nasa kustodiya na ng mga awtoridad si Co na posibleng makasuhan ng reckless imprudence resulting in physical injuries and damage to properties.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.