Salpukan ng Bus at Kotse: 3 Dedo, 25 Grabe

TATLO ANG patay habang 25 iba pa ang sugatan nang magsalpukan ang pampasaherong bus at pribadong sasakyan sa Barangay Dakit, Bogo City, Cebu.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang mga nasawi sina Juan Baydal, Roy Jesta Tampus at Dennis Gasig, pawang mga residente ng San Remegio, Cebu.

Ayon kay PO2 Gerry Ruiz Dela Cruz, sinabi nito na mabilis ang takbo ng bus kaya bumangga ito sa kasalubong na Toyota Altis.

Kaugnay nito, ang na-sabing bus ay minaneho ni Jose Rosaceña, 39, may sakay na 53 na pasahero, samantalang ang driver ng Toyota Altis ay si Branzuela Presbetiro, 43.

Napag-alaman na maliban sa pagkakabangga nito sa sasakyan, bumangga rin ito sa waiting shed at puno ng niyog dahilan ng agarang pagkamatay ng tatlo at mga sugatang mga pasahero na daling dinala sa isang pagamutan.

Patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nasabing insidente at posibleng mahaharap sa kaso ang driver ng bus.

(EUNICE CALMA)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.