Salpukan ng 2 Sasakyan; 1 Patay, 2 Kritikal

ISA ANG namatay habang nasa kritikal na kondisyon pa ang dalawa pang biktima sa banggaan ng motorsiklo at isang Nissan March sa national highway ng Barangay Sangkol, Dipolog City.

Kinilala ng mga awtoridad ang babaeng nasawi na si Eleonor Ogis, backrider ng motorsiklo habang ang driver ay kinilalang si Ranel Agias Honteveros, 34-anyos, at ang isa pang backrider na si Noel Bakyal, mga residente ng Barangay Sianib sa bayan ng Polanco ng nasabing lalawigan.

Base sa report ng Dipolog City police station, ang tatlong biktima ay parehong nakasakay sa motorsiklo.

Napag-alaman ng pulisya na nagsalpukan umano ang dalawang sasakyan sa isang sharp curve area sa lugar.

Sa lakas ng pagkakabangga, tumilapon ang mga biktima na nakasakay sa motorsiklo na nagresulta sa mga grabeng sugat at bali na tinamo ng mga ito sa kanilang katawan.

Sa ngayon, naka-confine pa rin sa Zanorte Medical Center ang dalawang biktima.

Samantala, boluntaryo namang sumuko sa istasyon ng pusliya ang may-ari ng Nissan March na si Kijun Lim, 42, ng Olingan ng nasabing lungsod.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.