Salesman, Wanted sa Ninakaw na Koleksyon

PINAGHAHANAP ANG isang salesman ng SM Brewery Inc. na nakabase sa Barangay Urbiztondo, San Juan, La Union matapos mabigong i-remit ang nakolektang pera mula Marso 27 hanggang Marso 29 ng kasalukuyang taon.

Sinabi ng isang empleyado ng kumpanya na dumulog sa himpilan ng pulisya na si Paulo dela Cruz, 31, may asawa, residente ng San Fabian, Pangasinan na hindi pa nag-report sa kanilang opisina at hindi na rin nila ma-contact ang salesman na si Leo Ugay ng Barangay Raois, Sto. Tomas, La Union.

Samantala, maliban sa perang hindi pa nai-remit, hawak din ng suspek ang susi ng isang sasakyan ng nasabing kumpanya.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.