Saleslady, minanyak ng 2 Intsik

SWAK sa kulungan ang dalawang Intsik na store supervisor nang lamasin ang dibdib at halikan sa labi ang kanilang saleslady sa Valenzuela City.

Nakilala ang mga suspek na sina Yangwu Chen alyas James Tan, 20 at Shipeng Huang alyas Alex Uy, 21, kapwa store supervisor ng Karuhatan ng lungsod.

Sa pahayag ng biktimang edad 17, alas-11 kamakalawa ng umaga, nasa loob siya ng pinapasukang Wawawee sa Karuhatan nang lapitan ni Tan at lamasin ang kanyang dibdib sabay halik sa labi ng biktima.

Hindi nakapiyok ang biktima, kinahapunan ala-1:00 ay si Uy naman ang lumamas sa dibdib ng dalagita sabay halik din sa kanyang labi.

Dahil dito, umuwi ang biktima at nagsumbong sa kanyang tiyahin na naging dahilan upang samahan ang dalagita sa presinto at ipadampot ang dalawang Intsik.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.