Salamat, Lenlen Oreta; at ang collector ng southern

BAGAMA’T NALULUNGKOT SA maaring kahahantungan ng kanilang pamumuhay at paninirahan sa Lamcota, Sitio Sto. Niño, Concepcion, Malabon City, at least, taus-puso ang pasasalamat na nais ipaabot ng nasabing mga residente para sa kanilang Vice Mayor na si Lenlen Oreta.

Dahil noong nakaraang linggo na ide-demolish na sana sila ng mga gagong taga-DPWH, pumanig si Lenlen Oreta, hindi sa kanila kundi sa batas!

Dahil nanindigan si Lenlen Oreta na kung sakaling magsasagawa na talaga ng proyekto ang DPWH sa nasabing lugar, tiyakin muna na masusunod ang proseso ng batas bago isagawa ang anumang demolisyon.

Sa totoo lang, parekoy, ‘yan naman talaga ang kahilingan ng nasabing mga residente noong sila ay sumulat sa DPWH.

Na anuman ang mangyari ay nakahanda sila… basta sundin lang ang proseso ng batas!

Nagulat nga lamang tayo, parekoy, dahil mistulang walang batas na kinikilala itong si Carla Bartolo ng DPWH.

Na kinakailangan pa munang maipaalam sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan ang problema.

At kinakailangan pa munang makialam si Vice Mayor Lenlen Oreta bago sumunod sa proseso ng batas itong sina Bartolo.

Ni minsan, parekoy, hindi tayo ma-runong sumulat ng positibo sa isang opisyal ng pamahalaan.

Pero sa nakita nating action ng vice mayor na ito ng Malabon City, hindi ko mapigil ang aking sarili na sabihing…

Mabuhay ka, Lenlen Oreta!!!

At sa pamamagitan ng pitak na ito, nais ipaabot sa iyo ng mga apektadong residente ang kanilang taos-pusong pasasalamat sa iyo!!!

Ngayon pa lang, kinakikitaan ka na ng mga desisyon ng magiging isang mahusay na alkalde!!!

 

ISANG P03 JIGS Servillon ang namamayagpag ngayon sa southern part ng Metro Manila.

Hindi sa husay sa serbisyo bilang pulis kaya nakilala itong si Servillon.

Kundi sa husay mangulekta sa lahat ng iligalista sa nasabing area.

Dahil siya raw ang collector ng District Director ng PNP!

Ano ba ‘yan, Gen. Arme delos Santos?

Nagpapakolekta ka ba talaga rito kay Jigs o binubukulan ka?

He, he, he…. Kilala mo ba, sir, itong si Dizon Tiña?

Mukhang sa kanya raw ang remittance ng lahat ng collection para sa iyo!!!

Malalaman natin ‘yan, parekoy, kapag hindi tumigil ang collection ni Jigs, ibig sabihin ay collector nga siya ni General delos Santos!!!

 

MAKINIG SA AKING programang “ALARMA Kinse Trenta”, Lunes-Biyernes, 6-7 am, sa DZME 1530 kHz, at may “live stream” sa www.dzme1530.com. E-mail: junbriones69@yahoo.com; call or text 09321688734.

Target
ni June Briones
jabriones10@yahoo.com
09152121303

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.