Saksakan sa Kasalan: 1 Patay, 3 Sugatan

ISA ANG nasawi at tatlo ang nasugatan sa nangyaring sasaksakan sa isang kasalan.

Ang nasabing insidente ay nangyari sa Brgy. Cabilawan, Barotac Nuevo, Iloilo kahapon ng madaling-araw.

Ayon kay Police S/Insp. Ariel Corcino, hepe ng Barotac Nuevo Municipal Police Station, ala-1:00 kahapon ng madaling-araw ng biglang pinagsasaksak ng biktima na si Alvin Peñafiel, 35, anyos ang tatlo na sina Eleoterio at Roland Vallera at Arnie Dela Peña.

Sinabi ng pulis na naghahanda ang tatlo ng mga lulutuin sa kasal ng magkasintahan na Vicente Vallera at Catherine Villa nang pinagsasaksak ng biktima hanggang sa naagaw ang kutsilyo nito at ginantihan ng saksak sa dibdib na ikinasawi nito.

Lumalabas sa pagsisiyasat ng mga awtoridad, hindi naman magkagalit ang namatay at ang tatlong sugatan dahil kamakalawa lamang ang mga ito nagkakilala.

Samantala, ang namatay ay kaanak ng ikakasal na babae habang ang tatlo naman ay kaanak ng lalaki.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.