Saksak Para sa Mister, Sinalag; Misis, Kritikal

KRITIKAL ANG misis matapos masaksak ng kaaway ng kanyang mister makaraang hara-ngan ng una ang saksak para sa asawa sa Valenzuela City kamakalawa ng gabi.

Ginagamot sa Valenzuela General Hospital sanhi ng saksak sa katawan si Marjorie Rogame, 45, ng Northville 2, Bignay ng lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis si Rejesus Reyes, 26, at kapitbahay ng biktima.

Sa ulat, alas-8 ng gabi, katalo ng suspek ang mister ng biktima sa loob ng bahay ng mag-asawa.

Nagbunot ng patalim ang suspek at inundayan ng saksak ang katalo subalit pumagitna ang biktima na naging dahilan upang mahagip sa katawan.

Tumakas ang suspek habang dinala ang biktima sa VGH kung saan inaalam na ang pinag-awayan.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.