Saksak Para Kay Kuya, Sinalo ni Bunso

KRITIKAL ANG isang binata matapos masaksak ng kaaway ng kanyang kuya makaraan pu-magitna ang una sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Ginagamot sa President Diosdado Macapagal Memorial Medical Center sanhi ng saksak sa katawan si Raymond Zozobrado, 21, ng Baesa St., Sta. Quiteria ng lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis ang suspek na si Mario Bahada, nasa hustong gulang at kalugar ng biktima.

Batay sa ulat, alas-10:30 ng gabi, hinamon ng duwelo ng suspek ang kapatid ng biktima na si Reynan sa labas ng computer shop ng huli.

Nang malaman ng biktima ay agad na pinuntuhan ang kapatid subalit inabutan na ang suspek na may dalang patalim at nang sasaksakin si Reynan ay pumagitna si Raymond na naging dahilan upang abutan sa katawan.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek habang dinala naman ang biktima sa PDMMMC.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.