Saklaw sa TRO ng Survey Firms, Regular Subscribers Lang

NILINAW NG Korte Suprema na ang mga regular subscriber lamang ng mga survey firm ang saklaw ng temporary restraining order (TRO) na kanilang inilabas sa resolusyon ng Commission on Elections (Comelec).

Base sa resolusyon ng Supreme Court (SC), nakasaad na hindi pinipigil ng hukuman ang Comelec na atasan ang mga survey firms na pangalanan ang mga subscriber ng mga survey result at privileged survey data mula February 12 hanggang April 23, 2013 at ilantad ang iba pang personal na impormasyon.

Hindi rin saklaw ng TRO ang pagpapasumite ng pa-ngalan ng mga nagkomisyon o nagbayad para sa survey sa nasabing panahon.

Samantala, inatasan din ng SC ang Comelec na magsumite ng kanilang komento sa petisyon ng SWS Survey at Pulse Asia.

Maaalala na dumulog ang dalawang survey firms sa Korte Suprema para kwestiyunin ang Comelec Resolution 9674 dahil pinagkakaitan daw sila nito ng kanilang “liberty”, right to protected information at iba pang pangunahing karapatan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.