Sakla at Bookies sa Caloocan, Hahawakan ng Kaalyado ni Malapitan

ISA UMANONG talunang kandidato mula sa kampo ni Mayor-elect Oscar Malapitan ang siyang hahawak ng sugal na sakla at bookies ng karera mula sa una at ikalawang distrito sa Caloocan City.

Nabatid na isang  alyas “Nani” na close ni Mayor Malapitan ang hahawak ng sakla kapalit ni “Lucy” na ilang dekada ng hawak ang saklaan sa lungsod.

Maging ang bookies ng karera na hawak ni Danny Estanislao ay plano ring palayasin ni “Nani”.

Gusto umano ni “Nani” na mabawi ang kanyang ginastos sa nakalipas na halalan kung kaya’t hiniling nito kay Mayor Malapitan na hawakan ang mga iligal na sugalan.

Nabunyag ang planong paghawak ni Nani makaraang ihayag ito ng mga tauhan nina Lucy at Danny.

Sinikap ng may-akda nito na makunan ng reaksiyon si Mayor Malapitan, pero wala ito sa kanyang opisina sa Bagong Barrio, Caloocan City.

Si Malapitan ay pormal ng uupong alkalde ng lungsod sa Hulyo 1, matapos talunin ang kanyang kalabang si RJ Echiverri  nitong nakalipas na May 13 election.

(ROMAN MAGPOC)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.