Sakit sa babae, kinatatakutang kumalat sa Caloocan

PINANGANGAMBAHANG KUMALAT ang iba’t ibang uri ng sakit sa babae na galing sa mga guest relation officer (GRO) ng iba’t ibang beerhouse at bar house na prente ng prostitution, at mga nagkalat na kababaihan na naglalako ng panandaliang-aliw sa Caloocan City.

Sa nakalap na impormasyon ng Pinoy Parazzi mula sa mga mapagkakatiwalaang impormante, hayagan kung magpalabas ng bold shows ang KERRIE Bar House at Show Time (ST) 1 and 2 Disco Pub.

Ang KERRIE Bar House at ST-1 ay matatagpuan sa kahabaan ng McArthur Highway, habang ang ST-2 naman ay nasa 4th Avenue.

Ayon pa sa mga impormante, hindi lang pagpapalabas ng bold show ang nagaganap sa mga nasabing bahay-aliwan, kung saan ay nagaganap din ang pagtatalik ng mga GRO at mga kostumer sa loob ng VIP room.

Nagkalat naman sa harapan ng Grand Ever Gotesco na makikita sa kahabaan ng Rizal Ave. Extention at sa harap ng Araneta Mall na matatagpuan mismo sa paligid ng Monumento ni Andres Bonifacio ang mga babaeng inilalako ang kanilang katawan.

Ang mga nasabing kababaihan ay hindi man lamang nagpapatingin sa doktor para makaiwas ang kanilang nakakatalik sa anumang sakit sa babae.

Ang nasabing kaganapan ay “no pansin” umano kay Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri at sa pamunuan ng Caloocan City police kung kumalat man ang iba’t ibang sakit sa babae partikular ang Acquired Immune Deficiency Syndrome (AIDS).

“Walang anumang ginagawang aksiyon ang aming mayor kung kumalat man ang mga nasabing sakit sa babae. Ang alam lang gawin ni Mayor ay laging magpapogi at mamulitika,” sabi pa ng mga impormante.

Idinagdag pa ng impormante, walang alam umano si Echiverri kundi proteksiyunan ang pa-Jueteng ng mga nagngangalang Mark at Ruzzel. (ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “Sakit sa babae, kinatatakutang kumalat sa Caloocan

Leave a Reply

Your email address will not be published.