Sakit na TB, idinaing Dalaga, binoga ang sarili

NASAWI ANG isang 21-anyos na dalaga matapos barilin ang sarili sa bayan ng Manaoag, sa Pangasinan.                                                                                                                                       Kinilala ni C/Insp Noel Espinoza, chief of police sa nasabing bayan ang biktima na si Ivy Gamboa, residente ng Barangay Lipit Norte.

Bandang alas-5:30 ng hapon kamakalawa ay nakatanggap sila ng tawag mula sa punong barangay ng Lipit Norte na may suicide incident sa kanilang lugar, ani Espinoza.

Napag-alaman na nagpatiwakal ang biktima sa pamamagitan ng pagbaril sa ulo gamit ang caliber .38.

Sinabi ng kanyang pamilya na nakakaramdam ng matinding kalungkutan ang biktima dala ng kanyang sakit na tuberculosis.

Inihayag din ni Espinoza na baka hindi lang sa sakit kundi sa hirap na rin ng buhay kaya winakasan na ng dalaga ang sariling buhay.

Nadala pa ito sa pagamutan subalit, binawian na rin ng buhay.

Inaalam na rin ng mga awtoridad kung kaninong baril ang ginamit ni Gamboa.

Samantala, wala umanong foul play sa nasabing insidente dahil walang ibang tao sa kanila kundi sila-sila lang na magkakamag-anak.

Nakita pa umano ito ng kanyang kapatid na may hawak na baril at inaawat pero nakalabit na ng biktima ang gatilyo ng baril. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.