Sakaling ligawan si Shaina Magdayao
Sam Milby, magpapaalam muna kay John Prats

SAM MILBY is back on the small screen with his new teleserye Kahit Konting Pagtingin. He will star together with Angeline Quinto and Paulo Avelino. Gaganap si Sam bilang Adam Ledesma na kapatid ni Lance (Paulo) at sa hindi sinasadyang pangyayari ay pareho silang maii-involve kay Aurora na karakter ni Angeline sa series.

In one of his recent interviews ay inamin ni Sam na nakapag-move on na siya sa kanyang lovelife at may bago na siyang napupusuan ngayon. Ito raw ay si Shaina Magdayao na former girlfriend ng kanyang best friend na si John Prats. “Sa totoo lang, honest ako sa mga kaibigan ko, sa lahat, na may crush ako sa kanya [Shaina].”

Magkaganoon man ay nagpasintabi muna siya kay John. “Eh siyempre best friend ko iyon. I wanted to make sure na kung sakaling manliligaw ako kay Shaina [ay] okay sa kanya,” paliwanag ni Sam. Pero ayon kay Sam ay mas matimbang sa kanya ngayon ang pagkakaibigan nila ni John. “Hindi ko itutuloy, ganoon akong kaibigan.” Giit pa niya na huwag sanang pangunahan ang pagkakamabutihan nila ni Shaina lalo’t nasa getting to know you stage pa lang silang dalawa.

Sa The Buzz ay mas binigyan linaw pa ni Sam ang tungkol sa isyu. “I do like her,” he admitted to Charlene Gonzalez. “For me, she has a natural charm when you see her. Ganoon lang.”

“What I really like about Shaina is matagal na siya sa business but she’s – and even all her friends and everyone in the business can vouch na – talagang true and such a good-hearted person. A real person talaga.” However, Sam insisted that he is not yet courting her. “Hindi pa. We haven’t had any iyong mga deep talks or anything. We hang out together with friends but hindi pa kami nag-uusap ng that much. I want to get to know her muna.”

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

5 thoughts on “Sakaling ligawan si Shaina Magdayao
Sam Milby, magpapaalam muna kay John Prats

  1. hmmm pano naman sila John Lloyd Cruz at Anne Curtis na nagpasikat sa kanya sa showbiz he should think of that since Maging Sino Kaman? :/  that is just so wrong. 

  2. Is there anything else you can offer us? Always na lang girls, lovelife mo ang topic! Why not  just keep it to yourself and announce it later when everything is done.  Hindi pa pala nanliligaw  pinamamalita na!  Instead of  creating issues about your personal life, why not concentrate more on your acting and improve more on your tagalog diction!

Leave a Reply

Your email address will not be published.