Sakaling bigyan daw ulit Patrick Garcia, ‘di na tatanggap ng project sa Siyete!

NAGBABALIK-KAPAMILYA SI Patrick Garcia sa teleseryeng Lumayo Ka Man sa Akin with Maja Salvador and Jason Abalos. Six years nawala ang binatang ama sa bakuran ng ABS-CBN. May mga bagay kaya na hindi napagkasunduan ng dati niyang home studio kaya’t nag-ober the bakod ang magaling na aktor? “Nang umalis ako sa ABS, naging maayos naman ang naging pro-seso. Hindi naman ako basta-basta na lang umalis, nagpaalam naman ako nang maayos. Gusto ko rin namang mag-explore.”

Na-miss ni Patrick ‘yung mga taong nakatrabaho niya noon na naka-close niya sa drama series na Tabing Ilog sa Kapamilya Network. What makes you decide na magbalik-Kapamilya? “Dito ako lumaki, mas kumportabe ako rito, ‘yun.  Everything is the same naman, naging iba lang ‘yung proseso sa paggawa ng show,” matipid na sagot ni Patrick.

Hindi kaya dahil hindi nabibigyan ng project ng GMA-7 si Patrick kaya nagbalik-Kapamilya ito? “Actually, I’ve just finished a project with GMA. After that, natapos na ang kontrata ko sa kanila so, ‘yun,” aniya. Ayon sa actor, hindi siya nagdalawang-isip magbalik-Kapamilya kahit makakasama niya si Luis Manzano na boyfriend ngayon ni Jennylyn Mercado. “Luis was not a factor at all for me to decide, walang kinalaman si Luis.”

Inoperan nga ba ng ABS si Patrick o ang manager lang nito ang lumakad para makabalik siya sa Kapamil-ya Network? Sinabi rin ng actor na wala pa siyang pinipirmahang kontrata sa ABS. “Well, there’s been offer before for a certain show but I told them I still have a contract with GMA. Sa ngayon, wala pa akong kontrata sa ABS but I’m willing… kahit hindi pa ako nagsa-sign ng contract sa kanila, in case na bibigyan uli ako ng project ng GMA, I won’t. As of now, I’ll stick to ABS.”

Kumusta naman kayo ni Luis, may conflict ba? “It’s always been okay, matagal na kaming hiwalay ni Jen. Actually, naging sila pa nga ni Dennis Trillo. Kumbaga, Jen is entitle to whoever she wants. She deserves to be happy whoever she wants to be with. Kumbaga, out na ako d’yan, buhay niya ‘yan, private life niya ‘yan. Hindi kami close ni Luis, we’ve known each other since… before pa. We been part of one show, ‘Kampanerang Kuba’. So, nagkatrabaho kami du’n and we’ve known each other naman. Wala kaming samaan ng loob o whatever, walang ilangan. In fact, last Saturday, he interviewed me sa E-Live. Kumportable naman ako nu’ng ini-interview ako ni Luis.”

Inamin ni Patrick, after his break-up with Jennylyn, non-showbiz ang naging girlfriend niya ngayon. “Hindi naman pinipili siguro kung you fall in love, artista man o hindi. Kung sinuman ang tinitibok ng puso mo, ‘yun.”

Any plans to settle down in the near future? “Siguro, I should start thinking about that but hindi pa,” turan ni Patrick. First reaction noong malaman mong may relasyon na sina Jenny at Luis? “Wala. Basta masaya si Jen, okay na sa akin,” dugtong pa niya.

Noong hindi pa nagkakasundo sina Patrick at Jennylyn, may arrangement sila para sa kanilang anak na si Jazz. Pero nga-yon, okay na ang lahat, libre na itong bisitahin at ilabas ang bata. “Before, dati, hati-hati pero we decide not to do that because stressfull for the kid. Dapat isang bahay lang ang kilalanin ng bata so, doon na lang siya sa bahay ni Jen and I go there to visit as much as I can. Kumbaga, wala naman akong limit na hanggang two times a week lang, ganu’n. Ngayon, kahit kailan ko gusto… open bisitahin ang anak ko. Okay lang. Huwag lang sigurong madaling-araw. We hardly see each other. Nagkakausap lang kami over the phone. Ipagpapaalam ko si Jazz sa kanya na gusto kong ilabas, ‘yun,” pahayag ni Patrick.

Bonding with your son Jazz? “Okay naman, it’s amazing to play with the kid and get to discover new things. I hope Jen and I will turn as  good parents kahit na hindi kami magkasama,” masayang turan ni Patrick.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.