SAID sa Caloocan, Pinababalasa

HINILING NG mga concerned citizen sa Caloocan Chief of Police na balasahin ang tanggapan ng Station Anti-Illegal Drug (SAID) para mawala na ang kotongan sa nasabing tanggapan.

Ayon sa mga residente, iligal na droga ang ugat ng paglala ng kriminalidad tulad ng holdapan, patayan, nakawan at panggagahasa dahil lamang sa ipinagbabawal na gamot.

Nabatid sa ilang insider ng SAID, magmula umano nang manungkulan si P/Chief Inspector Leoben Ong bilang hepe ng SAID ng nasabing himpilan ng pulisya noong 2011 hanggang sa kasalukuyan, lalong dumami ang krimen na may kinalaman sa droga.

Anila, mabibilang umano sa daliri ang naipakulong ni Ong na may kaugnayan sa droga, pero mas marami umano ang pinawalan umano dahil sa “cash-sunduan”.

Idinagdag pa ng mga ito, kapag ang isang pusher ay may kasong paglabag sa Section 5 ng RA 9165 at may kakayahang maghatag ng salapi kapalit ng kalayaan, ang paglabag sa Sec. 5 ay magiging paglabag na lamang sa Sec. 11 (drug user).

“Kung big fish ang nahuli at malaking halaga ang cash-sunduan ay bigla na lamang umano nawawala sa loob ng detention cell ng SAID ang suspek,” sabi pa ng source.

Nabatid pa sa source, isang “Marlyn” na dating nagtutulak ng Shabu at ngayon ay isa nang striker ng SAID ay isa nang “middlewoman” sa pagitan ng mga elemento ng SAID at mga naarestong mga suspek.

Si Marlyn ang siyang nakikipag-usap sa mga naarestong pusher at user kung magkano ang halaga ng perang dapat nilang ihatag kapalit ng kanilang kalayaan.

(ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.