Saicy at Luningning, TSUGI NA ANG SEXY SHOWDANCE!

MARAMING TELEVIEWERS ANG tiyak na disappointed ngayon dahil tsinugi na ang sexy dance showdown nina Saicy Aguila at Luningning sa Wowowee. Sa ngalan kasi ng self-regulation, nag-decide ang management ng ABS-CBN na tuluyan nang tsugihin ang dance segment ng dalawang hitad. Ito ay dahil na rin sa conciliation process na in-avail ng Dos sa Section 6, Rule 7 ng MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board). Sa official statement ng Dos, sinabi nitong aware ang network sa kanilang moral at legal responsibilities as a broadcaster at nais nilang i-uphold ang values and customs ng Filipino viewers.

With this, hindi na masa-sight sa Wowowee hindi lang ang sexy costumes nina Saicy at Luningning kundi pati na rin ang kanilang dance acrobatics.  Explosive kasi ang dance number ng dalawang hitad, as in, makapigil-hininga lalo pa nga’t halos lumuwa na ang kanilang kaluluwa sa kanilang mga kasuotan.

Isa sa mga inaabangang segments ang dance number nina Saicy at Luningning. In fact, isa nga ito sa come-ons sa noontime show. Nagkaroon na nga ng following ang dalawang hitad dahil dito. With this, hindi kaya mabawasan na rin ang followers ng dalawa?

Kasama rin sa conciliation process ang pag-extend ng leave ni Willie Revillame sa kanyang noontime show, ng hanggang September 20.

by Pinoy Parazzi News Team

Previous articleWillie Revillame, ayaw pa rin ng mga tao – Tita Swarding
Next articleMga Bituing Tulad Natin #139

No posts to display