Saicy Aguila is afraid of something

 

BLIND ITEM: SINO itong kontrobersiyal na young actress na nagsisisigaw sa parking lot ng isang condo building.

Ba’t siya nagsisisigaw? Ano’ng meron?

Eh, pa’no kasi, iritang-irita niyang nilayasan ang young actor sa condo unit nito.

Kaya nu’ng makita ng young actress sa parking lot ang driver ng young actor, tumili ito ng, “Pagsabihan mo ang amo mo, ha? Ayaw akong paalisin! Gusto yata, dito na ‘ko tumira. Tumigil siya, ha? Napaka-possessive!”

Na ikinagulantang din ng ibang drivers na naroroon at nakasaksi.

So ibig sabihin, nadadalas ang young actress sa condo unit ng young actor?

May nakapagkuwento sa amin na, “Nako, ang lola mo, ‘Day, mahilig talaga. Ikaw ba naman ang lumuwas pa sa condo unit ng lalaki para lang magpakangks, ‘di ba?  Kundi ba naman siya hitad at kalahati?

“O, masisisi ba niya ‘yung guy kung napatikim niya ito nang kakaibang sarap ng tunay na sinigang? Hahahahaha!”

Hay, nako… kung panganga-ralan ko ‘tong girl na ‘to, ang sasabihin lang namin sa kanya ay, “Girl, ‘yung iyong kahiligan sa guys, ‘yung pagiging mapusok mo, iwan mo ‘to at tutukan mo ang career mo!”

ALAM N’YO BA na mas gustong sumayaw kesa umarte sa teleserye o drama guesting si Saicy na kilalang mahusay humataw sa floor nu’ng na-bubuhay pa ang “Pilipinas Win Na Win”?

Ilambeses na siyang i-naalok umarte, pero ayaw ni Saicy. Masaya na raw siyang nagsasayaw. Ayaw niyang mag-taping, natatakot siyang u-marte, dahil baka hindi raw siya makaarte ay talakan pa siya ng direktor.

Pasayawin n’yo na lang daw siya kahit maghapon, mas type niyang gawin ‘yon kesa paiyakin siya sa teleserye.

Ayun, pagkatapos matigbak ng noontime show, as of now, ang isang show sa Studio 23 pa lang ang kanyang show at tengga pa ang byuti ng hatawerang si Saicy Aguila.

 

NALOKAH KAMI SA pre-prod meeting para sa “Vice Ganda: Todo Sampol Sa Araneta” this coming July 1, 2011. Bongga at “unkabogable” ang mga naisip na gimik ni Vice na ‘wag na ‘wag n’yong palalampasin at dapat n’yong panoorin, dahil hindi n’yo ito mapapanood sa video.

“Du’n lang talaga sa Araneta Coliseum, dahil ayoko nang isinasalin sa video ang concerts ko, dahil baka ma-edit-edit, mahirap na. Mawawaley ako. Saka sa TV, hindi ko rin type na ipinapalabas, dahil baka isipin ng tao, ‘yun lang napanood nila sa video ang kabuuan ng show eh edited nga ‘yon.”

Juice ko, ‘eto para magkaroon kayo ng idea sa content ng show ni Vice Ganda. Dapat itong panoorin ni Erik Mana, Alakim at kahit ni David Blaine.

Ganu’n katindi. Kaya sa mga wala pang tickets, tawag lang sa 911-5555 para masaksihan ninyo nang walang kakurap-kurap ang mga inihandang gimik ni Vice Ganda.

“Gusto kong itratong last show ko na ‘to sa Araneta, kaya bobonggahan ko na. Saka hindi naman pinulot lang sa lupa ng mga tao ang ipinambayad nila, kaya gusto ko namang sulitin ‘yung effort nila, panahon nila at pera nila sa concert ko!”

 

Follow n’yo naman po kami sa aming Twitter (@ogiediaz) at sa aming blogspot at www.ogiediaz.blogspot.com at pa-like naman ng aming fanpage sa FB ang “The Ogie Diaz.” Salamat po!

Oh My G!
by Ogie Diaz

Related Post

loading...

8 thoughts on “Saicy Aguila is afraid of something

  1. saicy really good dance wala tayong magawa kasi sanay sya sa dance at yon ang kinabubuhay nila ng pamilya nya nuon pa before pbb days. sana lang tanggapin nya offer din sa acting i think accept na sya kasi nasa binondo girl sya sa monday nag dance nga lang din heheheheeh. . thanks ogie diaz for writting an article for our love saicy we love her so much… 

  2. sayang naman sana nga tangapin nya offer pag sa acting.. masanay din sya.. infairness super galing talaga nya mag dance naka miss nga sana bigyan sya new project.. wag nman manglait ang iba kasi ginawa rin sya n God hala cge kayo baka makarma kayo at pakkk maging mukha nyo. God bless you OGIE DIAZ.. 

  3. Anonymous said…

    RICKY RIVERO SCANDAL
    According to Ivan, Mr. Ricky Rivero had asked him for sex several times, but he had repeatedly declined, saying he is already living with girlfriend and they are expecting a child. He said, he felt indebted to the director after the latter lent him money to pay his graduation fee last April. Mr. Rivero contacted him and asked to meet him Sunday night, fetched him and brought him to his house. Ivan claimed that Mr. Rivero asked him to have sex that night but he declined!

  4. ha ha ha parang walang relevance and title ng article sa content. as for Vice’s concert sa Araneta, i am pretty sure that it will be another hit. Vice is an intelligent comedian kaya maganda ang takbo ng career nya wag lng sya mainlove at maloko sa lalaki, he will stay at the top of his game for a long time.

  5. ogie ano ba naman yang headline mo para lang ginawa ng Grade 3. SAICY AGUILA IS AFRAID OF SOMETHING… wag ka na lang magsulat. hehehe

  6. bat hindi na lang muna pagtuunan ang mukha niyang madaming pimples tsk..tsk… marumi sa katawan itong babae na ito andaming taghiyawat sa mukha.

  7. hahahaahaaha kasi nagsisiksik si saicy sa abs alam naman niya na mas maraming may dating sa kanya iyan ang napala mo akala mo yayaman ka dyan sa abs beeh!!buti nga,pareho kyo ni pokwang nagmamakaawa o gumagawa ng gimik para magkaron ng project hahahahahaha laosyan deep na kasi kyo cguro noon sikat kyo ngayon la na!!!magdusa kyo..

Leave a Reply

Your email address will not be published.