Sagupaan ng Magkakalabang Political Supporters sa Bukidnon, 3 Patay

TATLONG KATAO umano ang namatay sa naganap na engkuwentro sa pagitan ng magkabilang political supporters sa Barangay San Miguel, Talakag, Bukidnon kahapon tanghali.

Lumalabas sa report, ang grupo umano ng isang barangay opisyal at ibang mataas na opisyal sa naturang bayan ang nagkainitan na humantong sa madugong sagupaan.

Pero sinabi ni 4th ID spokesman Maj. Leo Bongosia na patuloy pa nilang biniberipika ang naturang report.

Maaalala na ang magkatunggaling mga kandidato sa nasabing bayan ay kinabibilangan ni Talakag incumbent Mayor Nestor Macapayag ng Bukidnon Paglaum Party laban kay Vice Mayor Renato Sulatan mula sa partidong Aksyon Demokratiko.

Samantala, mainitan din ang labanan sa pagi-ging bise-alkalde sa pagitan ni Vergito Factura na kaalyado ni Macapayag laban kay Rosenio Sansandan na kapartido naman ni Sulatan.

Napag-alaman din na bago ang botohan, isang political supporter din ang tinaga at napatay dahil sa sobrang init ng pulitika sa lugar.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.