Sagot ni TESDA chief Joel Villanueva

NARITO ANG SAGOT ni TESDA Director-General Joel Villanueva sa inilat-hala nating liham mula kay Donna ng San Ildefonzo. Inireklamo ni Donna na ang TESDA sa Bulacan ay namimili ng mga trainees at hindi siya nakapasok sa programa dahil hindi siya kapanalig sa relihiyon ng hepe ng TESDA:

“Greetings!

Nakarating po sa aking tanggapan ang nangyari sa inyo hinggil sa minsang pagpunta ninyo sa isang skills training sa Bulacan.

Labis po akong nalungkot sa pangyayaring ito dahil kahit kailan po ay hindi ko ginamit o gagamitin ang aking posisyon sa gobyerno para lamang paboran ang a-linmang grupo or relihiyon, lalo’t higit ang Jesus is Lord Movement or JIL.

Kung inyo po sanang mamarapatin, maaari po bang malaman ang pangalan ng taong nagsabi sa inyo na ang pag-aaral sa TESDA ay “exclusive daw muna sa mga JIL”?

Hindi ko po mapapalampas ang ganitong uri ng paggamit sa aming pangalan lalo’t higit na wala po itong katotohanan.Be assured that any of our communication will be held in full confidentiality.

Kung meron po kayong mga katanungan hinggil sa mga offered courses ng TESDA, mangyari pong tumawag sa 887-7777 o bisitahin ang a-ming website sa www.tesda.gov.ph.

Marami pong salamat at hihintayin ko po ang inyong tugon.

God bless!

Sec. Joel Villanueva”

LIBRENG PAYO! I-TEXT N’YO AT SASAGUTIN KO!

Maaari n’yo ring i-text ang inyong mga katanungan na may kinalaman sa OFW o iba pang usaping legal sa:

PM <space> saklolaw <space> ang inyong katanungan at i-send sa 2948 (for Globe, Smart and Sun users)

O kaya’y mag-e-mail sa omecandazo@yahoo.com

Ayuda sa OFW
By Ome Candazo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.