Sagot ni Jennylyn Mercado sa request ni Gov. Vilma Santos “Aalagaan Ko Po Talaga Si Luis Manzano!”

KAHAPON, MAY 15, ang 25th birthday ni Jennylyn Mercado. Pero noong Linggo, May 13, nagkaroon na siya ng advance birthday celebration sa Showbiz Central kung saan special guest ang boyfriend niyang si Luis Manzano.

“Kasi, nag-guest ako sa kabila (sa Deal Or No Deal) so dapat… bumawi siya rito!” natawang sabi ni Jennylyn nang makapanayam namin.

Unang pagdiriwang daw niya ng kanyang kaarawan na sila na ni Luis. At mas masaya raw siya ngayon kumpara sa mga nakaraang birthday niya.

“Opo,” nangiti ang aktres. “Kasi ‘yong last time, iyon pa ang peak na… ano pa ako, may pinagdadaanan pa ako noon,” dahil kabi-break lang nila ni Dennis Trillo that time at ang daming mga intriga.

“So, hindi pa talaga ako gano’n kasaya no’n. Ngayon masaya ako dahil kasama ko si Luis. At nandiyan siya para sa akin.”

Nabanggit ni Luis, natutuwa raw ito na sina Jennylyn at Mommy niyang si Batangas Governor Vilma Santos, maganda ang samahan at laging may communication. It means so much daw para sa actor-TV host.

Kusa ba ni Jennylyn na mag-exert ng effort to get close with Ate Vi?

“Well, siyempre malaking parte ng buhay ni Luis si Governor Vi. At, siyempre nakakasama namin siya. Kahit papa’no nakakapag-text, nakakapag-usap.

“So, hindi namin talaga sinasadya. Pero siyempre bilang malaking parte ng buhay ni Luis si Tita (Vilma), eh… siyempre ano, kaila-ngang marunong ka ring makisama.”

At para sa Star For All Seasons, may sagot  si Jennylyn sa mensahe nitong… “Please take care of my son”.

“Aalagaan ko po talaga. At saka, maraming salamat po at ibi-nigay n’yo sa akin ang tiwala. At sinuportahan n’yo po kami.”

Now that she’s 25, ano pangunahing nasa isip niya?

“Mas pagbutihan pa ang trabaho ko. Mas magiging workaholic ako ngayong taon na ito. At sa darating pang mga taon. At saka magpu-focus ako sa family ko. Sa work ko. And hahabaan ko ang pasensiya ko. ‘Yon!

“Dati, maiksi ang pasensiya ko. Medyo… mabilis akong mapagod. Mabilis uminit ang ulo ko. Pero ngayon, mas mahaba na talaga ang pasensiya ko.”

Ito ba ang malaking influence sa kanya ni Luis?

“Si Luis naman kasi talagang ano, eh very positive na tao. So, nakahahawa talaga. Malaking influence. Dati, pinuproblema ko pati mga maliliit na bagay na hindi naman dapat problemahin. ‘Yong mga intriga, tinatawanan na lang ‘yan kung hindi naman totoo, bakit mo pag-aaksayahan ng panahon? ‘Yong mga gano’n bagay.”

May kumalat na tsismis kamakailan na si Luis, nag-inquire na raw ng tungkol sa kasal sa Basilica of St. Martin de Tours sa Taal, Batangas. Ikinagulat daw ni Jennylyn ang tungkol dito.

“Oo nga po, eh. Nagulat ako kasi tinext ako ng manager ko… Jen, ano ito, magpapakasal na raw kayo?

“Hindi totoo. Unang-una, hindi pa kami handa. Pangalawa, marami pa kaming kailangang isipin. At marami kaming priorities sa buhay. Lalo na ako. Si Jazz, siyempre. At ang pamilya ko. Hindi pa ako handang magpakasal. Kaya wala muna iyon.”

Marami ang nagsasabing bagay nga sila o perfect match para sa isa’t isa. At may mga umaasa na sana raw ay sila na nga ang magkatuluyan.

“Siyempre lahat naman ng tao iyon ang gusto na kung sino ang partner mo sa buhay mo, siya na ang panghabambuhay na makasama mo. Pero siyempre, sa tulong na rin siguro ni God, at tiwala na rin sa isa’t isa. ‘Di ba? Depende naman iyon sa pagdadala ng isang relasyon.”

 

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

6 thoughts on “Sagot ni Jennylyn Mercado sa request ni Gov. Vilma Santos “Aalagaan Ko Po Talaga Si Luis Manzano!”

  1. As if alam na alam nyo ang nagyayari sa buhay nila kung makacomment kayo..pakantot din kayo kung naiinggit kayo kay jen

  2. ANG CHEAP NI LUIS MANZANO KUKUHA RIN LNG NG LALAKE EH YUNG PUTACHING PA . DISGRASYADANG BABAE NA KUNG CNO-CNONG LALAKE NA ANG NAGPARAOS NG TAMOD NILA. ILANG BURAT NA BA ANG NAGLABAS MASOK SA BUNGANGA, PWERTA AT PWET NI JENNYLYN? ILANG KAMAY NA NAKALAMAS SA SUSO NYA? PAG PINAKASALAN NI LUIS YAN TYAK NA IIPUTAN CYA SA ULO NYANG C JEN. TIGNAN MO C CLAUDINR TIRA-TIRAHAN NA LNG NUNG MAKANTOT NI RAYMART NA PUTANG BAKLA TAPOS PININDEHO PA CYA. BWAHAHAHAHAHAHAHA

  3. ECHOSERA TALAGA ITONG HITAD NA JENNYLYN MECHADO NA ITO IM SURE PAG NAGKALABUAN LANG KAYO NG BAKLITANG LUIS NA YAN ME BAGONG BOYLET KA NA NAMANG KINAKALANTARI. TWO TIMER KANG HITAD KA PINAGSABAY MO NGA SI DENNIS KE ANDREI ECHOS KA TALAGA DAY.

Leave a Reply

Your email address will not be published.