Sagot Mula Kay POEA Admin Hans Cacdac

SA ATING nakaraang kolum, isang OFW ang lumiham sa atin tungkol sa ‘di maayos at magaspang na trato sa kanya ng isang tauhan ng POEA. Narito ang tugon mula sa administrator ng POEA na si G. Hans Cacdac:

Dear Sir, I read your latest release about the complaining domestic worker who was badly treated by one of our employees. We would be interested to know more about this case po and rest assured we will hold the subject employee accountable for any misdeed he or she may have committed. I just noticed that the name of the employee was left blank. It would help if we knew his or her name so we can get to the bottom of it. Please advice po. Admin Hans.

 

Attention: OWWA

 

NOON NAMANG nakaraang Sabado, panauhin natin sa radio program namin ni Sarah Balabagan ang isang OFW na mag-iisang taon nang nagpapaproseso ng kanyang application sa OWWA para sa livelihood assistance sa ilalim ng programang ito. Sa dulo, na-reject ang kanyang application sa kabila ng pagiging kumpleto ng kanyang requirement. Ang dahilan: hindi raw maganda ang Business Plan. Pinayuhan siya na umarkila ng isang consultancy group na mahusay gumawa ng business plan. Panibago na namang raket ito ng mga nais magsamantala sa mga OFW.

 

LIBRENG PAYO SA OFW! I-TEXT N’YO AT SASAGUTIN KO! PM <space> saklolaw <space> ang inyong katanungan at i-send sa 2948 (for Globe, Smart and Sun users). E-mail: omecandazo@yahoo.com.  

 

 

 

 

 

Ayuda sa OFW
By Ome Candazo

loading...

One thought on “Sagot Mula Kay POEA Admin Hans Cacdac

  1. dear sir, ako po’y isang nurse ofw dito posa middle east at kagagaaling ko lang po sa manila para sa isang mahalagang pakay. gusto ko lang pong ipaabot na siguro marami ang hindi natutuwa sa sistema ng pagkuha ng OEC sa POEA at sana mabigyang pansin ni Mr. Cadac ang problemang ito na matagaltagal na ring nagyayari mula pa noong mag umpisa akong ofw noong 1992.
    Tuwing kukuha ng OEC, mahaba ang pila sa dami ng kumukuha pero ang obserbasyon ko nitong nakaraang Agosto 23, 2012 nung kumuha ako ng OEC, sa breaktime 3-4 lang ang bukas na counter. sa lunch time isa lang ang bukas. gusto ko pong kunan ng litrato o video ang situation para ibahagi sa bayan mo ipatrol mo pero sabi ko baka may pag asa pang mabago kaya di ko ginawa.
    Sana po sa 17 counters ng POEA, kung mag break man o mag lunch ang mga nasa counter ay kahit man lang lkalahati ang matira at huwag ganun kaya natatambak ang mga kumukuha ng OEC at nagtatagal ng buong araw ay dahil na rin sa ineffcient na gawain ng ating mga kawani dito sa POEA. nasa panig nyo ako na kayo man ay napapagod din pero 17 countetrs, isa hangngang -2 lang kada break at lunch break kahit nakalagay sa direktiba ng government offices na walang lunch breaks o breaks. .
    Pakiusap ko po sa inyo Mr. Cadac. kung talagang gusto nyong may pagbabago sa OEC counter, o kung hindi po ninyo alam ang nangyayari tuwing break at lunch break, maglagay ho kayo ng CCTV para makita nyo ang mg anangyayari . Di magtatagal mailalabas din kayo sa byaon mo ipatrol mo o sa ibang programa ng telebesyon na may kuha ng video o litrato sa di effecient na gawain ng mga tauhan nyo sda POEA. Sayang ang oras. ng mga tao dahil sa pagwawalang bahyala ng inyong mga kawani. Nakapila ang tao kahit lunch break kahit isa lang tao sa counter. sana po huwag naman.. KAYA NYO YAN MGA KAWANI NG POEA NA PAGANDAHAHIN ANG SERBISYOP KUNG GUGUSTUHIN NYO AT NASA PANIG NYO KAMI NA NAPAPAGOD DIN KAYO PERO SABAYSABAY KAYONG MAGLUNCHBREAK HABANG NAKAPILA ANG MGA TAO, SANA PO HUWAG NAMAN.

Leave a Reply

Your email address will not be published.