Saging na Isplit… Cristine Reyes, nag-evacuate

MAUGONG ANG TSIKANG kahit anong mangyari, mag-i-evacuate pabalik ng Kapuso ang Starstruck babe na si Cristine Reyes. Ang sanhi: ang umano’y isplit na relationship sa pagitan niya at ng mga sexy babe din na sina Angelica Panganiban at RR Enriquez ng comedy sitcom na Banana Split.

Wala pa ring malinaw na pahayag ang dalaga. Kaya naman may mga haka-hakang inaaway umano nina Angel at RR ang dalaga. May attempt daw si Pokwang, kasama rin nila sa show, na pag-ayusin ang mga dalaga. Pero sa halip raw na maayos, lalo pa raw lumala.

Usap-usapan na rin ang hindi pagsipot ni Cristine sa tapings ng show. Ito na rin daw ang mismong nagsabi sa manager nito na ibalik na siya sa Kapuso at willing siyang tanggapin kahit ano pang role ang ibigay sa kanya ng network.

Kung anuman ang kahihinatnan ng kontrobersiyang ito, isa lang ang sigurado, malaki ang pagbabagong maaaring idulot nito sa karir ng sistah ni Ara Mina at sa iba pang involved.

Pero habang hinihintay natin ang pagsasalita ng bawat kampo, i-imagine na lang ninyo kung ano ang pwedeng mangyari sakaling magsama-sama sa isang page ng diyaryo ang mga chikababes na ito.

At ngayong may mag-i-evacuate na naman sa Banana Split, ano naman kaya ang mapi-feel ng mga babe na makukulit? Sa tingin n’yo Kaparazzi, sino’ng nang-aaway at sino ang inaaway?

Pinoy Parazzi

About the Author

has written 5562 stories on this site.

loading...

5 thoughts on “Saging na Isplit… Cristine Reyes, nag-evacuate

  1. grabe naman..wawa naman si Christine Reyes need nia ng karamay..im here for you my idol wag mu sila pansinin..insecurte lng sila sayo..basta ako i beleive na kaya mu yan! wala makakapagdow sau ate Chris..loveu keep it up!ur talent…ur a gorgeous…and lovely girl..muahh :*:*:*:*:**

  2. nde ko na idol si CHRISTINE REYES!!!
    walang utang na loob!

    bumalik pa sa kapuso! ewwwww
    yuck, bumalik pa sa low class network
    lalo na d2 sa USA nde pnapnood kapuso, puro tfc lhat lalo na sa restaurant…

    wala kang kwenta christine!
    palibhasa malandi ka, balik ka sa lungga mo!

  3. Crisitne kung saan ka man masaya its your decision goodluck! Pokwang should set a good example and not add fuel to the fire dahil matanda na sya.

  4. Hay buhay…. Si Cristine kasi eh walang coming sa ABS kaya lumipat…

    Pero kung ako sa kanya gagawa din ako ng sex video na mas grabe at hamak na mas malinaw kesa duon kay Katrina.

  5. Iba iba nalang ang lumalabas na balita sa issue na ´to at ang tatlo are pretending innocent na wala silang ginawa siempre sino ba naman ang aamin ng kasalanang nagawa nila but i believe na theres jealousy and insecurities namamagitan sa kanila towards cristine huwag na nilang baligtarin pa ang nangyari its obvious na pinagiisahan nga nila si cristine dahil umiiyak pa daw ito sa galit.

Leave a Reply

Your email address will not be published.