Safety Audit sa EU, Posibleng Makaapekto sa 80-K Pinoy Seafarers

INIREPORT NG pamunuan ng Maritime Industry Authority (Marina) na posibleng maapektuhan ang hanapbuhay ng tinatayang 80,000 Filipino seafarers dahil sa paghihigpit sa Europa at pagpapatupad ng European Maritime Safety Audit.

Sinabi ni Marina Administrator Maximo Mejia na ipatutupad ito simula sa Oktubre 2013, maliban pa sa ilang exam na kailangang daanan ng mga aplikanteng OFW.

Sinasabing kahit ang mga dating trabahador o bagong aplikante ay hindi tatanggapin kung babagsak sa gagawing serye ng pagsusulit.

Samantala, naniniwala si Mejia na malaking bahagi ng mga Pinoy seafarer ang papasa sa safety audit at iba pang eksaminasyon dahil na rin sa international standard na sinimulan nang ipatupad sa mga isinasagawang training ng mga ito.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.