Sadistang Guro!

0939890xxxx – Mr. Raffy Tulfo, i-rereklamo ko po ang isang guro ng Faigal Elementary School dito sa lugar ng Guimba, Nueva Ecija. Ang walang pakundangan na gurong ito ay pinaghubad ng short ang mga lalaking estudyante niya at pinaharap sa ibang mga estudyante. At talagang salbahe ang gurong ito dahil sinipa pa niya ang isang estudyante nang siya ay nagalit. Gusto po namin na matanggal sa pagtuturo ang taong ito dahil baka mamaya ay mas masahol pa ang gawin nito sa aming mga anak. Maraming salamat po.

 

0946311xxxx – Sir Raffy Tulfo, gusto ko pong ipaalam sa inyo ang ilegal na ginagawa ng isang empleyado ng Pasig City Hall ng Civil Registry Office. Ang taong ito ay kilala bilang Mrs. Ponga sa kanilang opisina. Kapag kayo ay kukuha ng Acknowledgment of Faternity, kailangan pong magbayad ng halagang P156.00 para sa dokumentong ito. Kung ito po ang kalakaran, bakit po wala man lang ibinibigay na resibo o anumang katibayan na tinanggap niya ang pera. At hindi ba dapat sa kanilang cashier ito binabayaran? Sana po ay maipahatid ninyo ang aming sumbong sa kanilang Mayor para matigil na ang kanyang mga kalokohan. Maraming salamat po at more power po sa inyong show!

 

0917576xxxx – Sir Tulfo, dito po sa lugar ng Robinson’s Fairview marami ang nagbebenta ng cellphone sa labas mismo ng mall. Ang kanilang modus, ididisplay nila ang mga totoong cellphone at ito ay mabibili sa mas murang halaga kaysa sa loob ng mall. At kapag nagdatingan na ang mga interesadong buyer aalukin nila ito at papakitaan ng iba’t ibang klaseng cellphone. At ang mga kasama nila malapit sa tindahan ay maglalapitan din para lituhin ang totoong buyer. At kapag tapos ka nang magbayad ibibigay na ang cellphone na iyong binili at hindi mo mamamalayan na dummy cellphone ang ibinigay sa ‘yo. Araw-araw ay palipat-lipat sila ng lugar. Sana po ay maaksyunan ninyo ito para hindi na dumami ang kanilang bibiktimahin.

 

0927345xxxx – Boss Raffy, gusto ko pong ipaalam sa inyo na ang aming Mayor na si Orencio Gabriel ay walang ginagawang aksyon dito sa lugar namin. Nabalitaan pa namin na pabor siya sa landfill kung saan tutol kami, dahil ito ay magdudulot ng pagbabara at lalong babaha sa aming lugar, magdudulot din ito ng mga sakit na maaaring makaapekto sa aming mga anak. Magpa-Pasko na ngunit ang ibang mga barangay dito sa amin tulad ng Barangay Paco at Lawa at iba pa na mababang lugar ay lubog pa rin sa baha. Tuwing high-tide sa umaga, ang taas ng tubig. Kawawa naman ‘yung mga bata na pumapasok sa eskuwelahan. Malaking perhuwisyo po ang dulot nito sa amin. Sana po mabigyan ninyo ng pansin ang aming problema.

 

0949925xxxx – Idol Raffy, dito po sa lugar ng Avenida, Manila along Taft Ave., ang mga vendor at mga manikurista ay nagbibigay ng pera sa pulis para hindi hulihin. Sa kanilang kakarampot na kinikita ay hinihingan pa ng mga mapagsamantalang mga pulis na ito. Bakit hindi sila magbanat ng buto at itong mga taong lumalaban ng parehas ang kani-lang  pinag-iinitan. Sana po ay mahuli ang mga mango-ngotong na pulis na ito.

 

0948706xxxx – Boss Idol, dito po sa  lugar ng Las Piñas kunwari ay check-point pero kotong lang ang gusto ng mga pulis. Sana po ay maimbistigahan ninyo ang bagay na ito.

 

Ang WANTED sa radyo ay mapapakinggan sa 92.3 FM, Radyo5, Lunes hanggang Biyernes, 2:00 – 4:00 pm. Ito ay kasabay na mapapanood sa Aksyon TV Channel 41. Para sa inyong mga sumbon,g maaaring mag-text sa 0917-7-WANTED o kaya sa 0908-87-TULFO.

 

 

Shooting Range
Raffy Tulfo

Related Post

loading...

One thought on “Sadistang Guro!

  1. Pingback: Sadistang Guro! - ShowbizNews.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published.