SABWATAN SA GARCIA CASE AT SI DON RAMON NG KYUSI

NAGSAGAWA NA KAHAPON ng imbestigasyon ang Senado kaugnay sa naganap na plea bargaining sa plunder case ni dating AFP Comptroller Gen. Carlos Garcia.

Hindi natin masisisi ang Senado kung magduda sila sa posibleng sabwatan sa pagitan ni Garcia at ng special prosecutors.

Kasi naman, parekoy, nakapagdududa talaga ang mga kaganapan sa nasabing kaso kung saan inakusahan si Garcia ng pandarambong sa halagang P303 milyon.

Kasama ni Garcia sa kaso ang kanyang asawa at tatlong anak. Pero sa naganap na plea bargaining, inilabas na sa asunto ang pamilya ni Garcia.

At ang nakapagtataka, parekoy, noon ang gambling lord na si Atong Ang ang nakipag-bargain sa kaso nitong plunder, kasama sa transaction ang pagsauli nito sa pamahalaan sa lahat ng kanyang kinulimbat na salapi.

Dito sa kaso ni Garcia, P303-M ang iniulat na kinulimbat nito, pero ang napagkasunduan lang na kanyang isasauli sa pamahalaan ay P135-M.

Aba eh, saan naman mapupunta kung ganu’n ang P168-M?

Ito na ba ‘yung napaulat na pinaghati-hatian ng special prosecutors ng Ombudsman?

Dahil sa naganap sa Garcia case, kung saan lumukob ang hinala na kinuwarta lang umano ito ng Ombudsman, hindi natin maiaalis sa mga senador ang magduda.

Sana nga, sa malao’t madali ay malaman na kung talagang nagkaroon nga ng hatian sa nasabing pera ang special prosecutors.

At upang mapapanagot na rin ang mga demonyong buwitre riyan sa Ombudsman!!!

MUKHANG di nga kaya ni Quezon City Police District Director Benhardi Mantele ang kamandag sa mga iligal nitong si Don Ramon.

BAKIT? ABA NAMAN, parekoy, ayon sa ating “spy” tunog pa lang ng pangalan ni Don Ramon ang naririnig ni Gen. Mantele ay aprub na agad… without thinking!!!

Hindi lamang iligal na sugal ang kontrolado ni Don Ramon d’yan sa Kyusi… maging ang putahan diyan ay sa pangalan pa rin ni Don Ramon nakakabit…

Totoo ba ito Gen. Mantele?

Bakit, gaano ba kalapit kay Mayor Bistek itong si Don Ramon? Ha? Malalaman natin sa susunod!!!

INAANYAYAHAN KO PO kayong making sa aking programa sa radio na ALARMA KINSE TRENTA, tuwing 6-7 ng umaga, Lunes hanggang Biyernes, sa DZME 1530 kHz (dulong kanan ng talapihitan).

Sa programang ito ninyo maririnig ang tunay na walang takot at walang kinikilingang komentaryo sa mga napapanahong isyu.

Maaari rin po ninyo akong marinig at mapanood sa internet, 6-7 ng umaga sa www.dzme1530.com

Anumang sumbong, i-text lang sa 09152121303 o kaya’y mag-e-mail sa junbriones69@yahoo.com.

Target
ni June Briones
jabriones10@yahoo.com
09152121303

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.