Sabong ng AFP at NPA: 2 sundalo, tumba

DALAWANG SUNDALO ang nasawi habang isa pa ang sugatan sa naganap na pananambang ng umano’y miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Barangay Sunko, Lantapan, Bukidnon.

Unang tinambangan ng mga rebelde ang militar, alas-3 ng madaling-araw sa nasabing lalawigan.

Napag-alamang killed in action ang isang sundalo at Cafgu member.

Samantala, pinasinungalingan ni 4th ID spokesman Maj. Eugene Osias ang ulat at sinabing walang katotohanan ang nasabing bilang ng casualties.

Aniya, totoong mayroong naganap na ambush subalit isa lamang umanong Cafgu member ang sugatan.

Napag-alaman na noong nakaraang linggo, lumabas ang report na umaabot sa 14 na sundalo ang nasawi sa naganap na engkuwentro sa pagitan ng Front Committee 89 ng rebeldeng NPA.

Pero iginiit ni Maj. Osias, isang Cafgu member lamang habang dalawang kalaban ng estado ang namatay.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.