Sabog na hostage-taker, patay sa rescue

NAUWI SA KAMATAYAN ang pangho-hostage ng lalaking “sabog” sa umano’y bawal na gamot,  sa isang babae sa bayan ng Gasa, Marinduque noong Sabado.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang suspek na si Rocel Fidernal, umano’y drug addict.

Ayon kay PNP Spokesman, Chief Supt. Agrimero Cruz, dakong 11:30 ng umaga noong Sabado nang pasukin ni Fidernal ang tahanan ni Joy Masangkay sa Bgy. Dos at i-hostage ito.

Makaraan ang tatlong oras, tuluyan nang nawala sa sarili ang suspek at sinimulang saktan si Masangkay na hudyat naman para simulan ng ng Gasan Municipal Police Station at Provincial Public Safety Company ang  pag-atake laban kay Fidernal.

Isang tama ng bala sa dibdib ang naglagos sa suspek subalit dinala pa rin ito sa ospital, kung saan ito idineklarang dead on arrival. (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.