SABIT LAGI SA ISSUES: May Problema ba ang Pamilya Barretto?

Marjorie and Gretchen Barretto

SABI NG MARAMI, dysfunctional daw ang pamilya Barretto na saliwa sa kinalakhang tama at naaayon sa pamantayan ng lipunan ang mga nagyayari sa kanila.

Si Gretchen, nakipag-relasyon sa kinakasamang mayaman na negosyante na si Tonyboy Cojuanco kahit hindi pa ito hiwalay sa legal na asawa na isang society girl.

Pero si Gretchen, all out and proud na ipinagsisigawan na siya ay “The Other Woman”.

While ang nakababatang kapatid na si Marjorie, ka-live in ng isang local politician from Caloocan City (sila pa rin ba?) na kung tama ang balitang nasagap namin ay nagbunga ang pagsasama nila ng anak na sabi, pwede daw idemanda ng misis ng politikong kinakasama nito si Marjorie (na ex ni Dennis Padilla) at ang pruweba ay anak nila ng politiko na minsan na rin idinenay at itinago ng ina ni Julia.

Claudine Barretto with JoshLia

Si Julia naman na anak ni Marjorie, sabit sa isyung “mang-aagaw” ng boyfriend ng may boyfriend na until now ay pinagpipistahan ng madlang people ang giyera nila ni Bea Alonzo over Gerald Anderson na ang akusasyon ng ilan, kaya naghiwalay sina Julia at Joshua Garcia ay dahil  nahuli diumano ng dating probinsiyano ang kasintahan sa akto sina Julia at Gerald (hindi tinukoy kung anong akto na tinutukoy ng balita), na hindi na lang pinalaki ni Joshua to protect her ex-girlfriend.

Sa katunayan, medyo nag-lie low ang isyu pero ano ba ang totoo sa likod ng balita na siya daw ang dahilan na as expected ay hindi mo maaasahan na paniniwalaan mo ang mga statements ng mga artista dahil sanay na ang publiko sa mga denials ng mga showbiz personalities na ito.

Sali-saliwa ang mga isyu na nagbunga na kinasasangkutan ng mga Barretto sisters na iskandalo at isyus na dapat nila sagutin at harapin ng buong katotohanan.

Bakit ganun ang mga Barretto? Dahil marahil hindi sila naniniwala sa tamang values o baka naman hindi nila kinalakhan ang tamang values habang nagkakaedad sila. Maging ang mga magulang nila, binabastos ni Gretchen na deadma ito sa kanya dahil iba ang mundo niya. Si Claudine na favorite ni Gretchen ay may mga kalansay din na nakatago na kung bubungkalin ay lalong mapapahamak ang imahe nito sa publiko at isa na nga dito ay ang “sharing” nila diumano ng Ate Gretchen niya (hulaan n’yo nga kung ano?)

Sa totoo lang, kapag iskandalo ng mga Barretto’s pagdating sa relasyon, pag-ibig, expected na isang malaking isyu ito na pinagdidiskitahan ng publiko.

Isang hirit pa, may nakapagbulong sa amin na isa sa mga Barretto sisters ay nakapagpatayo ng isang magarang haybols sa mamahaling subdivision sa Forbes Park sa Makati na kahit maglasing ka ng tatlong case ng SMB ay hindi ko make-keri makapagpatayo o makabili ng bahay doon.

Kaya nga kapag may issues involving one of the sisters, asahan mo, interesado ang publiko. Mas gusto nila makisawsaw sa problema ng pamilya at magbigay ng opinyon nila kaysa sa isyu ng pagpapalaya sa kulungan ng dating Mayor ng Calauan na si  Antonio Sanchez na gumahasa at nagpapatay sa magkarelasyon na sina  UPLB students Eileen Sarmenta at Allan Gomez, isyu ng trfic sa Metro Manila, ang pagbabaha sa lunsod, ang pagtaas ng presyo ng gasoline at isyu ng pangkalusugan tulad ng dengue at ang pang-aagaw ng mga isla ng Pilipinas ng Tsina.

 

Reyted K
By RK Villacorta

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.