Sabik na sabik na kay Ogie Alcasid
Regine Velasquez, sex ang gustong regalo sa kanyang birthday!

NANG MAKAUSAP ng ilan press si Regine Velasquez sa TV show nito sa GMA 7, walang maibigay na detalye ang Songbird kung paano ise-celebrate ang kanyang kaarawan dahil kararating pa lang ni Ogie Alcasid from Australia last Sunday.

Lagi raw kasi si Ogie ang nag-o-organize ng kanyang birthday. Ang ginagawa na lang daw niya ay dumating sa sarili niyang birthday party at makipag-tsikahan sa mga bisita at kaibigan.

Pero kung siya raw ang masusunod, gusto niyang i-celebrate ang kaarawan kasama ang buong pamilya, pamilya ni Ogie at ilang malalapit na kaibigan. Mahilig kasi siyang magluto at kung sila-sila ay magagawa niyang ipagluto ang kanyang kakaibang putahe.

Hindi rin naitago ni Regine ang pagkasabik sa mister kaya pagdating na pagdating daw nito ay magkukulong sila nang bonggang-bongga para sa isang walang puknat na lambingan.

Dahil may pagkakalog at walang pakialam sa pagsagot sa mga tanong ng press kesehodang personal ay parang casual lang na sinabi ng Songbird na “sex” daw ang gusto niyang regalo mula kay Ogie.

Pagkasabi ng “sex” ay tumawa ng pagkalakas-lakas si Regine at sinabi na talagang miss na miss na raw niya ang mister kaya walang makapipigil daw sa kanya na lalambingan niya ang husband pagkauwing-pagkauwi nito.

Samantalang kinumpirma ni Regine na kailangan niyang magpahinga muna para gamutin ang acid reflux niya at saka isusunod ang humahapding lalamunan.

 

NAKAGUGULAT ANG ibinulgar na pag-aalsa balutan ni Raymart Santiago sa tahanan nila ni Claudine Barretto.

Alhought malakas na ang bulungan na hiwalay na ang dalawa pero kung pagbabasehan ang mga sinabi nina Raymart at Claudine tungkol sa pagsasama nila ay “tampuhan” lang ng mag-asawa.

Sa pahayag kasi ni Raymart nang makausap ng press, inamin na marami raw silang pinagdaraanang pagsubok sa buhay ni Claudine pero ang mahalaga raw ay nakakapit sila sa Diyos.

A few days ago naman ay nag-post pa si Claudine ng photo sa Instagram na masayang nililinis ang Porsche ni Raymart kasama ang kanilang anak na si Sabina.

Dahil dito, wala ni kahit kaunting senyales na nilayasan na ni Raymart ang asawa na si Claudine sa kanilang tahanan.

Hindi naman puwedeng sabihing nagsisinungaling ang mother-in-law ni Raymart nang kumpirmahin sa ipinadalang sulat kay Ricky Lo na nakasaad na, “Raymart left home? Yes, it is true. For a cooling off period? Sana.”

Pero may nakapagsabi naman na gustung-gusto raw ni Claudine na magpahayag ng kanyang niloloob, at anytime daw na kapag may nagtanong sa kanya about sa mga nangyayari sa kanilang pagsasama ni Raymart at kapatid na si Gretchen Barretto ay magsasalita siya para ibigay naman daw ang kaniyang panig.

Well, sana ay maayos ang lahat nang pinagdadaanan ng mag-asawang Raymart at Claudine at matapos na rin ang “awayan” ng kanilang pamilya.

 Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

5 thoughts on “Sabik na sabik na kay Ogie Alcasid
Regine Velasquez, sex ang gustong regalo sa kanyang birthday!

  1. LIBOG ni ateng! SEX daw! HAHAHA!!!  Siguro kya namaos yan, kaka subo at deepthroat ng buto ni ogie diaz,! Alcasid pla.. maliit sya pero mahaba siguro ang CHORBA nia! HAHAHA!

Leave a Reply

Your email address will not be published.