Sabi ng ateng si Vina Morales
Shaina Magdayao, ‘di pa ready sa panibagong relasyon

Shaina-MagdayaoMATAGAL NANG nali-link sa isa’t isa sina Piolo Pascual at Shaina Magdayao. Matatandaang sa naunang interview niya sa The Buzz ay sinabi ni Shaina that he is a friend. Pero kahit anong iwas nila sa kontrobersiya ay hindi pa rin natitinag ang press sa pagsasaliksik kung ano nga ba ang real score ng dalawa.

Sa nakaraang 7th Star Magic Ball ay itinuring sila na isa sa five most controversial pairs. Although they walked at the red carpet separately, magkasunod silang pumasok sa venue. They were also seen holding hands and leaving the ball together.

Vina-Morales-Shaina-MagdayaoAyon sa artikulo ni Rhea Manila Santos sa push.com.ph ay nagsalita kamakailan si Vina Morales during the blessing of the newest branch of their family-owned Ystilo Salon tungkol sa diumano’y pagkakamabutihan ng kanyang nakababatang kapatid at ni Piolo.

“My lips are sealed. Ako kasi I was never against anyone na nali-link kay Shaina because I always respect her decision. I know ‘pag hindi na niya nakayanan, talagang aalis na iyan sa relasyon but I know she’s a very strong person. She’s matured a lot actually and whatever her decisions, talagang nirerespeto ko iyon. So, kung mag-holding hands-holding hands siya, bakit hindi? Holding hands lang naman. Pero Piolo kasi has been a good friend. Hindi ko kasi ma-explain whatever they have kasi they really get along well. They always go out in a group, they’re barkada, so ayokong bigyan ng color kung anuman iyong nakikita natin sa kanila. Kasi for now, they’re really enjoying each other’s company na wala namang expectations.”

Nang tanungin si Vina tungkol sa pinag-uusapang intimate scene ng dalawa sa On The Job, biro niya ay naloka raw siya pero maganda ang pagkakagawa ng pelikula. “Sabi nga ni Shaina sa akin, ‘You know, Ate, I really need to do this because it’s a great film and I’m comfortable naman because it’s Piolo who’s taking care of me.’ So sabi ko, okay then I rest my case, wala na akong nasabi, basta happy ako sa movie. Maraming nagulat pero it was done in an artistic way, hindi naman siya malaswa. It’s just that siguro hindi tayo sanay na dati nakikita natin siyang batang-bata and then all of a sudden ganoon, ‘di ba?”

Vina thinks her sister is not yet ready to be in a romantic relationship right now. “Shaina kasi is [at] this stage na hindi pa siya ready to commit again for a serious relationship. So, kung sino man iyong gustong magpaparamdam sa kanya, she wants to make sure she is 100% ready for the commitment. So, kung kaya nilang maghintay, then fine. Pero kung hindi naman, then hindi talaga sila meant sa isa’t isa. At kung sino man din iyong mga nali-link sa kanya, minsan nabibigyan lang din ng kulay,” she explained.

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

3 thoughts on “Sabi ng ateng si Vina Morales
Shaina Magdayao, ‘di pa ready sa panibagong relasyon

  1. Amoy na amoy ni VINA ang lansa ni PIOLITA kaya iniiwas nya si Shaina kay Super sireyna PIOLITA….Masisisi nyo ba ang nagmamalasakit na ate syempre poprotektahan mo ang myembro ng pamilya mo. Ayaw nyang masaktan ang kapatid nya.. ang tawag dyan malasakit…

Leave a Reply

Your email address will not be published.