Sabi Ko Na Nga Ba!

MAHILIG ANG MGA artista sa clichés, local man o Hollywood. Madalas nilang banggitin ang mga ‘yan sa awarding ceremonies at interviews. Kabisado ko na nga yata ang mga sinasabi nila. Linggo-linggo mo ba namang marinig sa talk shows ‘yun paano ko kaya makakalimutan ang clichés nila.

We’re just friends. Sino ba’ng hindi nakaaalam sa famous line mula sa mga loveteam at mga kinakantiyawan na mga artista? Sila ‘yung undefined ang status, na kahit sila rin, naguguluhan sa mga situation nila. Puwede kasing sila na pero ayaw lang mag-aminan dahil sa maraming factors (e.g. parents, fans, ibang syota, maruming kuko sa paa). Puwede rin kasing nasa M.U. (mutual understanding) stage na sila na talagang pinakamalabong stage ng relationship kasi hindi malaman kung friends ba sila o magdyowa na. Pero mostly ganito ‘yan, yung isa lang sa dalawa ang may gusto sa itinatambal sa kanya pero ‘yung isa ayaw naman sa kanya.

Sa mga artista, laos na ang “we’re just friends” na linya. Applicable na ngayon ang “we’re (exclusively) dating” o kaya, simpleng yes or no lang. Huwag n’yo na ring paasahin ang fans dahil tanggap na rin ng marami na iba ang personal sa showbiz life.

Soap and water lang. Kapag tinatanong ang artista kung ano’ng sikreto niya sa pagkakaroon ng magandang kutis, ‘yan ang isasagot niya, “soap and water lang.” Lalo na kung baguhan pa lang sa showbiz para masabing humble siya.   Hindi magsasabi na gumagamit siya ng Tsin Tsan Zu at kung anu-ano pang kaek-ekan sa mukha. Wala pa rin kasi silang brands na mae-endorse dahil wala pang kumukuha sa kanila. Pero once na may endorsements na, todo-plug na sila sa whitening soaps kahit natural na maputi na sila. Parang sina Kris Aquino at Lucy Torres na nag-promote dati ng whitening products samantalang naturally flawless na sila. Kahit nga yata laklakin at kainin ko ang mga sabon na iyon hindi ako puputi katulad ng endorsers ng mga ‘yon.

Dapat nga yatang sinasabi na nila ang brands na ginagamit nila, dahil kung gusto nila ang product na gamit nila ie-endorse nila ito nang libre. Who knows kunin pa talaga silang official endorser bilang loyal customer.

May ganu’ng issue? Naku, madalas banggitin ‘yan ni Ara Mina. ‘Yung mga nagsasabi nito, kunwari walang alam sa mga nangyayari or mga in-denial na kasama sila sa nasabing issue. Defense mechanism na nila ‘yon para tantanan na sila ng media or reverse psychology para mas lalong pag-usapan ang naturang issue. Kung anumang issue ang kinapapalooban ng mga sangkot, malamang totoo nga ‘to.

Dapat yatang magbago na ng mga dialogue ang celebrities natin. Nahahalata na rin kasi ng mga audience ang mga katagang binibitiwan nila. Mabuti na rin ‘yung naiiba ang statement nila dahil baka makapagpauso na naman sila ng bagong cliché.

By Billycoy Dacuycuy

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.