Sabay-sabay na pagtataas ng watawat, pinangunahan ng PAGASA-DOST

PINANGUNAHAN NG official timekeeper ng bansa, ang Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ng Department of Science and Technology (DOST) ang sabay-sabay na pagtataas ng watawat o simultaneous flag raising kamakalawa (January 6), alinsunod sa National Time Consciousness Week o Philippine Standard Time Act.

Isinabay ang sabayang pagtataas ng watawat dahil unang araw ng linggo ang Lunes at ang mga tanggapan ng pamahalaan ay may kani-kaniyang flag ceremony. Itinakda ng Philippine Standard Time Act o Republic Act 10535 na ang unang linggo ng taon ay maging National Time Consciousness Week.

Ang oras ng PAGASA ang opisyal na batayan ng lahat ng oras sa buong bansa. Kaya ito man ay sa gobyerno o pribadong sektor, iisa lamang ang dapat na basehan ng oras na maaaring ma-access sa kanilang website  na www.pagasa.dost.gov.ph at may mga alituntunin na dapat sundin upang ma-synchronize ang oras.

Kabilang sa mga tanggapan ng gobyernong nakibahagi sa sabayang pagtataas ng watawat ay ang National Telecommunications Commission, Department of Transportation and Communication,  Department of the Interior and Local Government, Department of National Defense, Department of Health, Department of Education, Commission Higher Education, Civil Service Commission, DOST, at PAGASA.

Sinimulan ang sabayang aktibidad dakong alas-8 ng umaga batay sa Philippine Standard Time o PhST na isinet ng PAGASA bilang official timekeeper. Ilan sa mga aktibidad sa NTCW bukod sa simultaneous flag

raising ay ang pagdi-display ng mga digital o analog clocks sa mga tanggapan ng gobyerno at TV at radio networks, at information dissemination.

Batay sa announcement ng Civil Service Commission, kailangang sumunod ang mga pinuno ng constitutional bodies, departments, bureaus, national government agencies, local government units, government owned and controlled corporations na may original charters at mga state universities and colleges. Layunin nito na tunay na maging “Pinoy ako, on time ako” ang Pilipino at maging ugali na ang punctuality.

(MJ Balaguer)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.