Sabah Crackdown, Kasalanan ng mga Kiram

BINIGYANG-DIIN NG Pa-lasyo na walang ibang dapat sisihin sa nangyayaring karahasan at pagkadamay ng ibang Pinoy sa Sabah kundi ang pagmamatigas ng mga Kiram.

Ito ang naging pahayag ng Malacañang sa gitna ng nangyayaring crackdown sa Filipino communities sa Lahad Datu at Semporna kung saan pati raw mga bata at kababaihan ay nadadamay.

Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, noong una pa lamang nila ibinabala sa mga Kiram na mangyayari ang ganitong karahasan kung hindi magbabago ang kanilang desisyon.

Sinabi ni Lacierda na maling-mali daw ang daang pinili ng Sulu Sultanate at nadadamay na ang mga Pilipinong hindi naman kasali sa kanilang claim sa Sabah.

Sa mantala, patuloy raw ang kanilang pakiusap sa Malaysia na protektahan at huwag idamay ang nasa 800,000 Pilipino na tahimik na nagtatrabaho at nani-nirahan sa isla.

Sa ngayon, puspusan din daw ang relief operations ng pamahalaan partikular ng DSWD sa mga nagsisiuwing Pilipino matapos maiwan ang kabuhayan sa Sabah.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.