Sabah Attack, Itinanggi ng Malaysian Gov’t

PINABULAANAN NG pamahalaan ng Malaysia ang report na nagkaroon ng panibagong sagupaan sa pagitan ng mga tauhan ni Sulu Sultan Jamalul Kiram III sa Sabah at walong Malaysian soldiers umano ang namatay.

Sinabi ni Eastern Sabah Security Command (ESSCOM) director general Datuk Mohammad Mentek na wala umanong katotohanan ang naturang ulat na layon lamang ay para magdulot ng takot sa publiko.

Hinimok rin nito ang mga residente ng isla na huwag maniwala sa aniya’y “unfounded claims” at mga “propaganda”.

Maging si Sabah police commissioner Datuk Hamza Taib ay mariin ding pinabulaanan ang report kaugnay sa nabanggit na engkuwentro.

Unang inireport ni sultanate spokesperson Abraham Idjirani na walong kasapi ng Malaysian security forces ang namatay matapos tambangan ng mga tauhan ni Kiram sa bayan ng Lahad Datu.

Matatandaan naman na noong Pebrero, nasangkot sa madugong standoff incident ang mga tauhan ni Kiram matapos pasukin ng mga ito ang Sabah.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.