Sa wakas…
Megan Young, ang kauna-unahang Pinay Miss World!

FINALLY, NAKUHA na rin ng Pilipinas ang Miss World crown sa katatapos na coronation night nito held in Bali, Indonesia last Saturday night, September 28. Ang kinatawan ng bansa na si Megan Young ang kauna-unahang Pinay na nagwagi ng nasabing international beauty title.

Although sa simula pa lang ng Miss World pageant ay sinasabi ngang malakas ang laban ni Megan, the most na in-expect ng marami sa kanya ay ang makapasok man lang sa top 15. Sa loob kasi ng napakaraming taon na lumipas, since the pageant started, wari’y naging mailap nga kasi ang pagkakataon para sa mga naging Filipina delegates na manalo rito.

In the past, tatlong Pinay pa lang ang naging runners-up rito. Ang una ay si Evangeline Pascual na nakapuwesto noon bilang 1st runner-up. Sumunod ay si Ruffa Gutierrez bilang second runner-up noong 1993. At ikatlo ay si Gwendoline Ruais na 1st runner-up din noong 2011.

Ang rumored boyfriend nga ni Megan na si Mikael Daez, although hoping for the best siya para sa actress-beauty queen, hindi rin niya inakalang ito ang makapag-uuwi ng Miss World crown. Ang siniguro lang nito nang matanong about Megan’s chance of winning ay makapapasok ito hanggang top 3.

Sa unang bahagi ng coronation night, nasa number four ang ranking ni Megan among the delegates from 127 countries. Nang mai-announce nang siya ang nanalo sa Top Model Competition na isa sa apat na events kung saan ang winners ay automatic na pasok agad sa top 15 semi-finalists, umangat ang kanyang ranking into number one.

Dahilan para asahan na ng marami na pasok na siya sa top ten na siya ngang nangyari. Hanggang sa nakaabot siya as one of the five finalists kung saan kabilang sina Miss Brazil, Miss Spain, Miss Gibraltar, at ang nanalong second runner-up na si Miss Ghana at first runner-up na si Miss France.

Bago ang announcement ng winner, lumakas ang pakiramdam ng maraming Pinoy na nanonood ng telecast ng Miss World na parang si Megan nga ang tatanghaling Miss World 2013. Bigla kasing tinawag ng male host ng pageant ang ina ng actress-beauty queen at tinanong kung ano ang masasabi nito.

“If you get the crown… go ahead, honey. Go around the world and spread that kindness in your heart,” mensahe ng mommy ni Megan para sa anak.

Tanong pa ng host… what was the biggest advice that you gave her before she came here?

“Be kind. You can never go wrong with kindness.”

Palakpakan naman ang maraming audience na naroon sa venue ng pageant. Lalo na nang tawagin si Megan bilang Miss World 2013 winner na naging very emotional naman nang mahingan ng pahayag on the spot.

“No words. Uhm… Salamat sa mga kababayan ko. Mahal na mahal ko po kayo. Thank you so much to everyone for choosing me to be the next Miss World. It really means a lot to me. And I promise to be the best Miss World ever.

“You know I always tell everyone that I would just be myself in everything that I do, and to share what I know. And to educate people on what they could do also to help, is what I’m gonna do in this next year…  And I’m very, very excited.

“Salamat. Salamat talaga sa aking mga kababayan na Pilipino. Para sa inyo ito.”

Congratulations, Megan!  The whole country is so proud of you!

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

21 thoughts on “Sa wakas…
Megan Young, ang kauna-unahang Pinay Miss World!

  1. I admire Ms. Megan Young for her decision to join the beauty pageant and made use of her good looks, brains and talent and in the process she made us all very proud to be a Filipino by her becoming MISS. WORLD, 2013. Her wining the title at least gave us something to be proud of as a Filipino and relegate for the time being the shame of our country’s pork barrel scandal brewing in the Philippine Senate, the cry of the poor from devastation of recent typhoon, the killing of an innocent girl, our war with our Muslim brothers in the south, kidnappings and many more….Kudos to you Ms. Megan Young, you made us all very happy with pride and compasson! Mabuhay!

  2. Si Putrizk bobo talaga…… puro kabobohan lang mga comment mo.. paniguro mga bobo rin mga magulang mo , kanino ka pa ba magmamana…

    • KAPILIPINAS!
      nirepresent niya ang bansa hindi Mother Ignacia o Kamuning. Pero maswerte nung binalik sa GMA ang Ms. World. Kaya dapat lang ibalik ang Bb. P sa GMA kung gusto nating manalo ulit sa Ms. U! Kung sa GAYBS puro runners up lang ang pinanalo nito.

      • True! Swerte si Ms. Cory Quirino at ang GMA. Biro mo yung 1st Miss W under GMA, nakapagproduce kaagad ng 1st runner up. Tapos 2 years later may Miss World na. Bonggels din ang pag-1st runner up ni Andrew Wolfe sa Mr. World. Hello Madam Stella Araneta! hakhakhakhak!

      • EWAN KO SAYO, NAGKATAON LANG YAN NOH! BAKIT SA MS UNIVERSE SUNOD SUNOD NA RUNNERS UP MULA NOONG NAPUNTA SA ABS, HAHAHA! 

  3. CONGRATS MEGAN YOUNG! YUNG MGA MISSOSOLOGISTS, NAG-NOVENA PA YATA AT LUMAKAD NANG PALUHOD SA MGA SIMBAHAN PARA MANALO SI MEGAN. HAHAHAHA. NAKOH, SA TRU LANG, ANG TAGAL-TAGAL NANG PINAGDADASAL NG MGA BEKINESE NA MAGKAROON NA NG MISS WORLD ANG PINAS. AYAN NA NGA. AT SI MEGAN, PARANG ANG BILIS NG MGA PANGYAYARI. PARANG KELAN LANG EH MAY CHIZMAX MUNA NA BALAK DAW SUMALI NI MEGAN. TAPOS, BIGLANG AYUN NA NGA AT NAG-SUBMIT NA NG APPLICATION. THEN, NANALO NA NGA. NAGPA-GUEST-GUEST SA TV SHOWS. AT BOOM! WINNER NA! GALING TLG. WAG LANG MAGPAKA-JANINE TUGONON NA NANALO LANG AT NILAPITAN NG ADMIRERS EH, INIWAN NA SA ERE ANG BF. SO, KUNG SI MIKAEL ANG BF NYA, MAG-STICK NA SIYA KAHIT DI NAMAN GANON KA-GWAPO ANG LOLO NYO. GOOD KARMA YON.

    SI RUFFING DIN NAMAN, MAGANDA ANG SHOWING SA PAGEANT. MAY KALAKIHAN LANG ANG BALAKANG AT THIGHS, PERO REGAL TLG ANG LOLA NYO. HETO OH:

    ttp://www.youtube.com/watch?v=wiuT42502DU (JUST ADD “h” TO “ttp” TO MAKE IT “http”)

  4. CONGRATS MEGAN YOUNG! YUNG MGA MISSOSOLOGISTS, NAG-NOVENA PA YATA AT LUMAKAD NANG PALUHOD SA MGA SIMBAHAN PARA MANALO SI MEGAN. HAHAHAHA. NAKOH, SA TRU LANG, ANG TAGAL-TAGAL NANG PINAGDADASAL NG MGA BEKINESE NA MAGKAROON NA NG MISS WORLD ANG PINAS. AYAN NA NGA. AT SI MEGAN, PARANG ANG BILIS NG MGA PANGYAYARI. PARANG KELAN LANG EH MAY CHIZMAX MUNA NA BALAK DAW SUMALI NI MEGAN. TAPOS, BIGLANG AYUN NA NGA AT NAG-SUBMIT NA NG APPLICATION. THEN, NANALO NA NGA. NAGPA-GUEST-GUEST SA TV SHOWS. AT BOOM! WINNER NA! GALING TLG. WAG LANG MAGPAKA-JANINE TUGONON NA NANALO LANG AT NILAPITAN NG ADMIRERS EH, INIWAN NA SA ERE ANG BF. SO, KUNG SI MIKAEL ANG BF NYA, MAG-STICK NA SIYA KAHIT DI NAMAN GANON KA-GWAPO ANG LOLO NYO. GOOD KARMA YON.

    SI RUFFING DIN NAMAN, MAGANDA ANG SHOWING SA PAGEANT. MAY KALAKIHAN LANG ANG BALAKANG AT THIGHS, PERO REGAL TLG ANG LOLA NYO. HETO OH:

    http://www.youtube.com/watch?v=wiuT42502DU

Leave a Reply

Your email address will not be published.