Sa Wakas! ‘Di na Malamig ang Kanilang Pasko

EXCLUSIVELY DATING ang drama sa simula ng ating mga celebrity couples. ‘Pag naispatan at nakorner, sasabihin lang nilang ‘good friends’ or special friends’ sila, kahit pa sa mga kilos nila’t pananalita, hindi naman maitatagong may ‘something’ na sa kanila. Ang iba nga’y umaabot pa sa hiwalayan, saka lang aamin sa fans at publiko na ‘naging sila’ pala.

Naku! Andami nilang ganyan sa showbiz! Pero this time, tatlong celebrity couples ang umamin na rin at last na sila na nga, bago pa sila magkasawaan at mauwi sa break-up. At siyempre pa, ‘di na malamig ang kanilang Pasko!

 

BEA ALONZO & ZANJOE MARUDO

USAP-USAPAN NOON ang diumano’y pagkakamabutihan nina Bea Alonzo at Zanjoe Marudo na madalas umanong makitang nagdi-date na magkasama. Unang namataan ang dalawa sa Star Magic Ball last year at sa cast party ng seryeng Magkaribal, na ang nasabing aktor ang isinamang date ng dalaga. Nang ganapin Din noong nakaraang taon ang ABS-CBN Christmas special, may mga reliable source na nagsabing may kakaibang closeness na namamagitan sa dalawang Kapamilya star. Sa mga nakaraang interview ni Bea sa mga talkshow ng Dos, iwas pa ang aktres sa mga naglalabasang isyu with Zanjoe. Matatandaang noon pa man ay nali-link na si Bea kay Zanjoe bago pa pumutok ang balitang inili-link sina Bea at Gerald Anderson. Parang kumpirmasyon na lang ang kulang kina Bea at Zanjoe na sila ay mayroon nang espesyal na relasyon. Hindi itinago ng dalawa ang paglabas-labas nila at hindi rin itinanggi na very close na sila, pero hirap na hirap silang aminin kung may relasyon na sila o wala. Noong una’y ayaw pang sabihin ni Bea kung ano na talaga ang estado ng relasyon nila ng binata ngunit nang lapitan ng mga press, at nabasa sa cover ng isang glossy magazine ang quote mula kay Zanjoe na: “It’s official—kami na,” natawa na lang ang aktres at walang nagawa kundi aminin na seven months na sila mula noong March 16 (ang araw kung kailan niya sinagot ang aktor).

 

JENNYLYN MERCADO & LUIS MANZANO

KINUMPIRMA RIN noon ni Jennylyn Mercado na lumalabas-labas nga sila ng actor-TV host na si Luis Manzano, pero wala pang anumang sersyosong relasyon na namamagitan sa kanila. Ginawa ni Jennylyn ang pagkumpirma matapos aminin ni Luis sa isang panayam ang paglabas nila ng Kapuso actress. Inamin umano ni Luis ang tungkol sa paglabas nila ng aktres at ipinagtanggol ito para matapos na ang mga intriga na ginagamit lang siya nito. Nagsimula ang pagkakaibigan nila ng TV host nang magkasama sila sa training niya ng Muay Thai at Ju-jitsu. Kinumpirma rin ni Jennylyn na ipinakilala na siya ni Luis sa ina nitong si Gov. Vilma Santos, pero nilinaw ni Jennylyn na hindi pa siya handang pumasok sa panibagong relasyon matapos nang pinagdaanan kay Dennis Trillo. Hindi nagtagal eh, umamin na rin si Luis at sinabing “Oo, kami na. “It’s formal that we’re together.” Ito ang ginawang pag-amin ng binata sa estado ng relasyon nila ni Jennylyn. Bagama’t pumiyok na, tumanggi si Luis na sabihin kung kailan eksakto naging sila ni Jennylyn.

 

ANGEL LOCSIN & PHIL YOUNGHUSBAND

NAGSIMULA NAMAN ang lahat sa pagitan nina Angel Locsin at Phil Younghusband sa palitan nila noon ng tweets. Inimbitahan ni Phil ang aktres for a Valentine date pero sumagot ito na she’s not available on that day because of work. Natuloy ng ibang araw ang kanilang inaabangang friendly date na target shooting. Naging madalas ang pagkikita ng dalawa na may kakaibang sweetness sa isa’t isa. Ngunit kahit ganito ang eksena, hindi masagot ng aktres ang tanong kung may relasyon na nga ba sila ng football player. Bagama’t hindi nito mabigyan ng label kung anuman ang namamagitan sa kanila, hindi naman niya itinanggi na sila ay parehong in love.Wala rin siyang nasabing exact date o kung ilang months na ang pagiging in love o masaya nila sa piling ng isa’t isa. Hanggang sa dumating ang punto na sinabi rin ni Angel na siguradong higit na sa pagiging magkaibigan ang anumang namamagitan sa kanila ni Phil ngayon. Mistulang umamin na nga ang secret lover dahil ayon pa rin sa seksing aktres, “going strong” ang kanilang relasyon taliwas sa mga naglalabasang balitang hiwalay na sila.

 

Parazzi Chikka
Parazzi News Service

loading...

6 thoughts on “Sa Wakas! ‘Di na Malamig ang Kanilang Pasko

  1. PHILGEL FOREVER!   Salamat at nagkatagpo kayo!  Pareho kayong mabait at bagay na bagay!  

    Sincere and relationship di katulad ng isa diyan na pilit pilit para di magmukhang kawawa!  

  2. Ha ha ha…At si Phil at Angel pa ang hindi daw bagay..Ang sabihin niyo inggit na inggit kayo sa kanila kaya in-denial kayo. Sila ang hottest celebrity couple today..Sila ang laging laman ng mga news at lahat ng kilos nila sinusubaybayan ng madlang people. Kasama na kayong mga inggitera dun kaya updated kayo sa paninira sa dalawa. Kulang lang sa ligo yan o kaya tigilan niyo na ang pagkain ng ampalaya or else lalo kayong magiging BITTER. At wag problemahin kung pano sila nagkakaintindihan. Obviously intinding-intindi nila ang isa’t isa . Kayong mga inggitera lang naman ang mahirap umintindi..Hay sobrang bagay talaga si Phil at Angel. Walang lugi sa dalawang ito. Gwapo at maganda. Hunk at sexy. Parehong sikat, hot at higit sa lahat MABAIT. No wonder daming INGGIT…Sige Phil at Angel inggitin niyo pa sila lalo dahil walang ganyan ang idol nila kaya nagmamaasim. Gusto kasi nila si Phil sa idol nila kaya YUN NA…hahahahahaaaaaa…

  3. ang hindi talaga bagay na couple ay sina angel at si phil. tignan nyo nga ng mabuti diba. pano kaya nagkakaintindihan ang dalawa ni isang salita ng englis hindi marunong at hindi maintindihan si angel. hahahahahahaha…

Leave a Reply

Your email address will not be published.