Sa unang araw ng shooting
Pelikula nina Bong Revilla Jr., Vic Sotto at Judy Ann Santos, inulan na ng blessings

NAGSIMULA NA palang mag-shooting ang Si Agimat, Si Enteng at si ME nu’ng kamakalawa lang.

Kumpleto ang tatlong bida na sina Sen. Bong Revilla, Vic Sotto at Judy Ann Santos na sabi nga niya, sino ba naman ang tatanggi sa project na ito kahit alam naman niyang ipinalit siya kay Ai-Ai delas Alas.

Matagal daw nilang pinag-usapan kung ano ang gagawin sa role ni Judy Ann, dahil aminado naman ang aktres na hindi niya kaya ang mga ginagawa ni Ai-Ai.

Kaya ibang-iba itong role na ginampanan niya na bumagay naman in fairness, ha!

Kuwento sa akin ng taga-Startalk na nag-cover nito, ang saya raw ng first day niya.

Nu’ng kinunan ang exterior shots nila, maganda ang panahon. Pagkatapos nu’ng nasa  loob ng bahay na sila, saka lang umulan kaya lumamig ang panahon, at hindi sila gaanong nainitan sa interior shots nila.

Sabi nga ni Bossing Vic, ganu’n daw talaga ‘pag first day of shooting ng mga pelikula nila, umuulan na parang inulan na talaga ng blessings.

Kasama rin nila roon sina Jose at Wallly, sina Ruby Rodriguez at Aiza Seguerra, at pati ang cute na winner ng Little Ms. Philippines na si Ryza.

Tuwang-tuwa pa sila na nagpa-cater doon si Mr. Tony Tuviera kaya ang sasarap daw ng mga pagkain.

Puring-puri ni Sen. Bong si Bossing Vic dahil talagang tinupad nito ang pangako niyang magsama sila uli sa pang-filmfest na pelikula.

Pero sabi raw ni Bong, meron pa raw siyang sorpresang project na dapat abangan sa susunod na taon. Meron na raw silang inaayos ngayon, pero sa ngayon ay focus daw muna sa pang-MMFF nila.

 

ANG DAMING nag-react sa dagdag na kuwento namin sa Startalk tungkol sa pagbubuntis ni Angelica Jones.

Ang ipinarating na mensahe ni Angelica dun sa doktor na nakabuntis daw sa kanya, sana raw ipinaglaban siya at ang magiging anak nila at hindi ito basta-basta maniwala sa tsismis.

Pero sinubukan ng Startalk na hingan ng statement itong doktor na konsehal sa Batangas, ayaw raw nitong magsalita. Hindi na nga raw ito ma-contact.

Ang nakakaloka pa, merong taga-Laguna na nag-text sa ibang staff na ang nakabuntis daw talaga kay Angelica ay si Gov. ER Ejercito. Nakakaloka, ha!

Kaagad na ipinarating daw nila ito sa PR ni Gov. ER na si Jobert Sucaldito, at pinagtatawanan na lang niya ito.

Hindi na raw bago itong ganitong tsismis na pati si Gov. ER dinadamay.

Meron lang daw talagang gustong siraan si Gov. ER na isinasangkot sa isyu kay Angelica kaya hindi na lang nila pinapansin.

Oo nga naman! Nanahimik ang tao, biglang dinadamay sa ganu’ng tsismis. Kahit naman luka-luka itong si Angelica, hindi naman ito magbabanggit ng ibang tao kung sangkot nga riyan si Gov. ER.

Buong-buo ang pangalan nu’ng doktor na binanggit niya na nakabuntis daw sa kanya.

Ayoko na lang banggitin dito, kasi ayaw na ngang magsalita nung doktor na ‘yun.

Sigurado naman si Angelica kung sino ang nakabuntis sa kanya, bakit dawit na si Gov. ER? Kaya siguro tigilan na lang ng taong ito ang paninira sa Laguna governor, ‘di ba Jobert? ‘Yun na!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.