Sa tuluyang paglipat ni Mega sa Singko… Juday, walang balak sumunod

NAKUHA NA NG Kapatid Network ang serbisyo ni Megastar Sharon Cuneta at tuluyan nang tinalikuran ang ABS-CBN na matagal rin niyang pinaglingkuran. Hindi na nga siya parte ng Christmas station ID ng Kapamilya Network kaya may katotohanan ang sinabi noon ni Willie Revillame sa programa nitong Wil Time Bigtime kung saan malapit na raw maging certified Kapatid si ‘S’. Hay, naku, hindi nga yata mahalaga ang salitang ‘loyalty’ sa showbiz, tsk…tsk… Ayon naman sa kaibigan ng aktres na si Judy Ann Santos, suportado niya ang Megastar kung saan ito magiging mas masaya. Kung susunod daw ba siya sa kanyang ate sa TV5? Mukhang malabo pa dahil tila nag-e-enjoy pa siya sa show niya sa ABS-CBN na Junior Master Chef Pinoy Edition at masusundan pa ito ng adult version next year.

Photos by Mark Atienza, Fernan Sucalit & Parazzi Wires

By MK Caguingin

Parazzi Chikka
Parazzi News Service

loading...

2 thoughts on “Sa tuluyang paglipat ni Mega sa Singko… Juday, walang balak sumunod

  1. ok lang lumipat ang mga big star dahil mataas ang talent fee nila saka wala na rin kukuha sa kanila dahil sa talent fee kun lumipat man sila sa ibang channel will see kun maging consistent ang show nila dahil sa taas ng talent fee nila 

Leave a Reply

Your email address will not be published.