Sa Team Patay at Team Buhay Poster
SC, Naglabas ng TRO vs Comelec

NAGLABAS NG temporary restraining order (TRO) ang Korte Suprema upang pigilan ang kautusan ng Commission on Election (Comelec) na tanggalin ang “Team Patay” at “Team Buhay” poster sa diocese ng Bacolod.

Kaugnay nito, pinakokomento ng Supreme Court (SC) ang Comelec sa loob ng 10 araw hinggil sa naturang isyu.

Itinakda naman ng SC ang oral argument sa Marso 19 dakong alas-2:00 ng hapon sa Maynila.

Napag-alaman na i-lang beses na pinadalhan ng Comelec ng notice ang Bacolod Church dahil sa nabanggit na oversized poster.

Giit kasi ng Comelec na maituturing na isang campaign propaganda na sakop ng kanilang regulasyon ang hakbang ng simbahan.

Bago rito, naghain ng petition for certiorari with the application for issuance of injunction o TRO sa SC ang Diocese of Bacolod kaugnay sa pagpapatanggal sa kanila ng Comelec ng giant poster sa San Sebastian Cathedral.

Sinabi ni Atty. Ralph Sarmiento, isa sa mga legal counsel ng diocese na dalawang constitutional ground ang kanilang basehan sa pagsampa ng petition kasunod ng kautusan ng Comelec.

Ito ay ang freedom of expression at ang separation of church and state.

Samantala, ikinatuwiran naman ni Sarmiento na bilang isang pribadong sektor, may karapatan ang simbahan sa freedom of expression at hindi rin maaaring pigilan ng estado.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.