Sa tangkang pangongotong 2 pulis, posibleng masibak

DALAWANG PULIS ANG muling nagdulot ng batik sa organisasyon nang masangkot ang mga ito sa tangkang pangongotong ng P50,000 sa asawa ng isang wanted sa kaso ng droga sa Bauan, Batangas.

Kinilala ang mga ito na sina PO2 Lito Maranan at PO1 Bonapart Convento, kapwa miyembro ng Bauan Municipal Police Station.

Si Maranan ay dinakip ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection team ng Batangas sa entrapment operation sa Shell Gasoline Station sa Barangay Calicanto, Batangas City.

Isinailalim naman sa restrictive custody ng Bauan Police si Convento na nagkataong hindi kasama ni Maranan nang maganap ang operasyon.

Ayon kay CIDG Director, Chief Supt. Samuel Pagdilao Jr., nakipagkasundo ang dalawa sa isang Jeannete Hernandez ng Barangay Aplaya sa Bauan na hindi aarestuhin ang asawa nitong si Jessy na may warrant of arrest sa kasong droga kung magbibigay ng P50,000.

Una nang nagbigay ng $100 ang ginang sa dalawa at nangakong ibibigay ang kakulangan noong Mayo 9 at kung hindi ay ikukulong ang asawa.

Dito na ikinasa ng mga awtoridad ang entrapment at inaresto si Maranan.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.